Chapter Nineteen: Leche Flan

166K 3.4K 76
                                    


"I'm glad you called," sagot ni Irene sa tawag niya. "Did you know that your Leche Flan recipe was a great hit to Joon's family?"

"Adrian knows," sabi niya rito.

"What!?"

Mabilis na nailayo ni Samantha mula sa kanyang tenga ang hawak na cellphone. Nagulat siya sa malakas na sigaw ni Irene.

"Bakit? Paano niya nalaman?"

"Pumunta si Miles sa mansion at nagkita sila ni Adrian," sagot ni Samantha at ikinuwento sa kaibigan ang nangyari. Nasa loob ng taxi siya pauwi ng mansion.

"Bakit babalik ka pa sa mansion?" Hindi makapaniwalang tanong ni Irene.

"Kailangan kong makausap si Adrian. He's the only one who knows for now. I need to convince him not to tell his parents."

"Sa palagay mo makukumbinsi mo siya? How can you trust him, Samantha? Di ba ikaw na ang may sabi na he's the enemy?"

Napaisip siya sa sinabi ni Irene. She's right pero wala na siyang ibang magagawa kundi magtiwala na hindi pa sinabi ni Adrian ang totoo sa mga magulang nito.

"I have no choice but to trust him, Irene. Nang makausap ko siya kanina, he acted like he doesn't care," sabi niya at naalala ang sinabi ni Adrian kanina bago pa siya umalis.

"What? Anong ibig mong sabihin?"

"Sabi niya wala raw siyang pakialam sa gagawin ko. Hindi niya ako pinigilan nang umalis ako kasama si Miles."

"Nasaan na si Miles ngayon?"

"He's staying at a hotel."

"Nagkabalikan na ba kayo?"

Hindi siya nakasagot kaagad. Nagkabalikan na nga ba sila? There were no formal words spoken between them but they kissed.

"I...I think so," pagdadalawang-isip niya.

"I have a bad feeling about this, Sam. Nagi-guilty tuloy ako. Sana ay hindi ko na lang kinausap si Miles."

Dinig na dinig naman ni Sam ang pag-aalala sa boses ng kaibigan.

"Tinatakot mo ako, Irene."

"Paano kung isinumbong ka na ni Adrian sa mga magulang niya? Hindi ka na makakaalis ng mansion kapag bumalik ka pa," nag-aalala pa rin si Irene.

"I can't afford to think about that, Irene. Ayokong mag-isip ng masama," umiiling na sabi niya.

"You need a backup plan, Sam."

"I don't have a backup plan, Irene. At isa pa, kailangan ko ring bumalik sa mansion. Nandoon ang mga gamit ko. My passport, IDs, and cards," kinakabahan siya sa sinabi ni Irene pero kailangan niyang magpakatatag. "If Adrian told his parents then I have no choice to run away again."

"I just hope that all will be in your favor, Sam."

"Sana nga, Irene," sagot niya sa kaibigan. Pagkatapos ay tinapos na nila ang pag-uusap.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na ni Samantha ang mansion. Pagpasok niya sa gate ay kaagad siyang sinalubong ni Patrick.

"Pat? Ba't nandito ka pa?" Tanong niya rito habang naglalakad papunta sa pintuan ng mansion.

Hindi ito sumagot pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad sa tabi niya. Nang marating ang pintuan ay mabilis itong binuksan ni Patrick. Muli niya itong tiningnan. Nakayuko naman ito na tila hindi makatingin sa kanya.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon