Chapter Twenty: Milk

298K 6.6K 280
                                    


It's like a walk through memory lane.

'Yun ang naramdaman ni Sam nang pumasok siya sa kanilang bahay. Katulad pa rin ng dati ang bahay nila. Tila wala itong pinagbago. Sa bawat sulok ng bahay ay may naaalala siya.

Everything was the same except for her room.

Nasorpresa siya pagpasok niya sa kanyang kuwarto. It doesn't look the same. Ang laki ng pinag-iba ng kanyang silid.

"Nicky used this as her makeup room," ang sabi ng kanyang mommy na nasa kanyang likuran. Nahulaan kaagad nito ang gusto niya sanang itanong.

Kaya pala may malaking table na may vanity mirror sa lugar kung nasaaan nakalagay ang mga libro niya.

Napatingin si Sam sa kabuuan ng silid. Isang closet, kama, sofa at ang table lamang ang naroon. The room feels so empty.

"Where are my old things, mom?" tanong niya. She placed her luggage near the closet at naupo sa ibabaw ng kama.

"Nasa bodega," mahinang sagot ni Sylvia .

"So, Nicky is an actress now?" ang tanong niya.

"Parang ganoon na nga. She's moved from modeling to acting. May mga TV guestings siya at minor movie roles ngayon."

Kaya pala may air of confidence si Nicky.

Mas bata sa kanya si Nicky ng dalawang taon. Mataray at maarte ito. Hindi sila magkasundo nito sa lahat ng bagay. Samantha is a daddy's girl samantalang si Nicky naman ang paborito ng kanyang ina.

Madalas nilang pinag-aawayan si Adrian dati. Matagal nang may gusto si Nicky kay Adrian, simula pa noong high school.

Adrian was a famous soccer player. He was like the David Beckham of their high school and Nicky was the head cheerleader and president of his fan club.

Pero para kay Sam, naging sikat si Adrian hindi dahil magaling ito sa soccer kundi dahil sa gwapo at mayaman ito. His father was a senator nung nasa high school pa sila and that added to his popularity.

Nag-umpisa ang galit niya kay Adrian noong ma-engage silang dalawa. She was 16 and he was 18 nang mga panahong 'yon.

Adrian tried to talk to her a few times noon pero parati niya itong inaaway. Tuwing may celebration naman sa mansion ng mga Silva ay iniimbita ang pamilya nila. She would cry for hours para lang hindi siya isama ng daddy niya.

Palaging sinasabi ng daddy niya masuwerte siya dahil si Adrian ang mapapangasawa niya. Her dad also said she won't ever feel the pain of being rejected by other guys dahil nakaplano na ang lahat para sa kanya.

"We missed you, anak," ang sabi ni Sylvia sabay lapit sa anak. "Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa'yo."

Napatingin si Sam sa kanyang ina. She looks older than the last time she saw her.

"Puwede ba akong magtanong tungkol kay Miles?" tanong ni Sylvia at naupo sa tabi ng anak.

Wala pa siyang ganang magkuwento. Nasa utak pa rin niya ang nangyari sa mansion kagabi. Pero her mom needs to know the truth kaya't ikinuwento na niya ang tungkol kay Miles.

"We've been together for over eight months. Nakilala ko siya sa Singapore. Mabait si Miles at mahal niya ako," kuwento niya.

"He sounds like a nice guy. Kailan namin siya makikilala?"

Napatitig si Samantha sa kanyang mommy. Talaga bang gusto nitong makilala si Miles?

"I'm not sure if that's possible, mom. Nakakulong nga ako dito sa bahay, di ba?" Pakiramdam niya ay isa siyang criminal na nasa bilangguan. May tatlong guard ang nagbabantay sa labas ng bahay nila. Dalawa naman sa loob. Siniguro talaga ng mga Silva na hindi siya makakaalis.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon