Chapter Four: Yoghurt smoothie

375K 8.7K 305
                                    


"I...I can't...I think....Hindi ko....Oh my god!"

Nanginginig si Samantha habang nagsasalita. Kausap niya sa cellphone si Irene.

"Ano bang pinagsasabi mo, Samantha?"

"I..I...I...I...I...I—"

"You just said 'I' seven times. You're stuttering. Ano bang nangyayari sa'yo?"

Samantha was pacing the room habang pilit na pinakakalma ang sarili.

"I...I saw him, Irene!"

"Ha? Sino?"

Napaupo sa kanyang kama ang dalaga. The images of what happened a while ago kept playing on her mind.

"I saw..I met Adrian," sabi niya at napapikit. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

"OMFG! For reals?!"

"Oo, totoo," she said while rubbing her temples. Napaaga ang stress niya. Ang akala pa naman niya ay tuluy-tuloy na ang plano niya. Alam niyang magkikita rin sila ni Adrian pero hindi niya inaasahan na makikita niya ito agad.

"So? What's he like? Totoo ba ang sabi nila? That he's so hot?" Excited na tanong ni Irene.

Naguluhan naman si Samantha sa naging reaksyon ng kaibigan.

"Ano bang pinagsasabi mo? I just met my 'fiance' tapos tinatanong mo if he's hot?" Napakunot ang noo ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang kaibigan.

"Alam ko. Kaya nga nagtatanong ako. You know I've always been curious about Adrian Miguel Silva."

Samantha groaned in disappointed.

"I can't believe you, Irene."

Heto siya at kinakabahan habang ang kaibigan niya naman ay excited.

"So? Is he hot?"

Adrian's handsome face flashed in her head. Sumunod naman doon ang tumutulong buhok nito. Her mind followed the droplets of water falling to his broad shoulders, to his well-developed six packs, to his—

Napailing si Samantha. Hindi tama ang ginagawa niya. She shouldn't think about Adrian that way.

"It doesn't matter. I am not marrying him!"

Napahinga ng malalim si Irene sa narinig.

"Nagtatanong lang naman ako kung anong hitsura niya. Spoilsport," ang sabi ni Irene na tila nagtatampo na sa kanya.

"Oo na! He's handsome, he's attractive, he's hot, he's good looking, he's sexy, he's gorgeous..." napatigil si Samantha nang maubusan na siya ng sasabihin.

"Is he all that or are you exaggerating?"

"Ano ka ba? Ikaw itong nagtatanong tapos ayaw mong maniwala sa sinasabi ko? Mababaliw ako sa'yo, Irene."

"Nababaliw ka nga. He's handsome, attractive, hot, good looking, sexy at gorgeous pero ayaw mong magpakasal sa kanya?"

Muling napailing si Samantha. Hindi na niya alam kung saan patungo ang pinag-uusapan nila n kaibigan.

"You don't marry someone just because he's hot," tuluyan na niyang pinatulan ang kaibigan. Nakalimutan na nga niya ang gustong sabihin dito.

"I would if he wants to marry me."

"Mabuti na lang at hindi ikaw ako," mabilis niyang sagot.

Natahimik si Irene sa kabilang linya. Hinintay ni Samantha na magsalita ito ngunit nanatili itong tahimik. Nagalit ba ito sa sinabi niya?

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon