Chapter Twenty-Eight: Hot Chocolate and Croissant

296K 6.2K 269
                                    


"Mabuti naman at nakauwi na kayo," masayang bati ni Sylvia sa mga anak.

Si Samantha at Abbie lamang ang umuwi. May mga promotions na dapat gawin si Nicky kaya't hindi na ito umuwi ng bahay.

"How was your trip?" Ang tanong ni Sylvia sa dalawang anak.

Lumapit si Abbie at niyaka ang kanyang mommy. Si Samantha naman ay nakatingin sa mga guards habang pinapasok ng mga ito ang mga bagahe nila ni Abbie.

"Mommy, inaantok ako," ang sabi ni Abbie at yumakap sa ina.

"Umakyat ka na sa kwarto mo."

Hinintay ni Samantha na matapos ang mga guards sa pagdala ng mga bagahe nila bago muling nagsalita.

"Hindi ko alam na nandito pa pala ang mga guards," sabi niya nang lumabsa na ang mga ito.

"Aalis na sila ngayon ang sabi ni Aurora," sagot ng mommy niya.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Samantha. Ang akala pa naman niya ay babantayan pa siya ng mga ito. "Does that mean that I can do whatever I want?"

Nagkibit-balikat ang mommy niya.

"I have no idea. Wala namang ibang sinabi si Aurora sa akin."

Napag-isip si Samantha. Siguro kasama na ito sa sinabi ni Adrian. He trusts him completely.

"Tanungin mo kaya si Adrian," suhestiyon ng mommy niya.

Isang ngiti lang ang isinagot ni Samantha. Hindi niya kailangang magpaalam kay Adrian. Gagawin niya ang gusto niya. It's his fault for trusting her.

"Magpapahinga na muna ako, ma. Aalis ako mamayang hapon."

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Sylvia.

"May kakausapin lang ako."

"Si Miles?"

Hindi siya sumagot. Hindi pa rin kasi niya ma-contact si Miles.

"Mag-ingat ka, Samantha. Huwag kang gumawa ng bagay na ikakapahamak mo."

"I won't mom," sagot niya at umakyat na sa kwarto niya.

**

"He's not answering my calls."

"Bakit? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Irene.

Nasa isang coffee shop sila at nag-uusap. Dumating si Irene sa Pilipinas noong isang araw. Pinayagan ito ni Joon na umuwi only for a few days.

"Yun nga ang iniisip ko. Wala rin naman siyang nasabi noong nagkita kami."

The last she saw him was in the hotel pa. Hindi na sila nakapag-usap pagkatapos noon. Kahit emails niya ay hindi nito sinasagot.

"Kailan mo siya huling tinawagan?"

"Kanina pero naka-off na 'yung phone niya," ang sagot ni Samantha.

"Weird. Ano bang pinag-usapan ninyo? Pinagplanohan 'nyo ba ang gagawin ninyo?"

Inalala ni Samantha ang pagkikita nila ni Miles. Wala silang pinag-usapang plano.

"Hindi. We just talked about my engagement and about Jennifer. Sabi niya naghiwalay na raw sila."

"So naging sila nga noong mag-break kayo. Naku! 'Yan talagang si Jennifer nag-aabang at naghihintay lang kung kailan ka mawawala," ang sabi ni Irene.

Saglit silang natahimik nang dumating ang waiter dala ang order nila.

"Caramel Machiato and Blueberry Muffin," ang sabi nito at inilapag sa harapan ni Irene ang order nito. Pagkatapos ay bumaling ito kay Samantha. "Hot chocolate and Croissant."

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon