Chapter Twenty-Nine: Bottled Water

302K 6.6K 268
                                    



Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Walang nagawa si Samantha kundi sumunod sa gusto ng mga Silva. Hindi niya akalain na puwede palang ihanda ang kasal sa loob lamang ng limang araw.

It will be a church wedding. At since nasa Pilipinas naman si Irene, ito na ang magiging maid of honor niya. Everything was selected and decided by the Silvas kasama na rin ang mommy niya. They selected the church, the theme, the reception, sa bridal gown niya, lahat-lahat. Para lang siyang spectator sa kasal niya.

Kung siya ang masusunod, she'd like to get married in a small venue. A garden wedding kung saan sila lang ng pamilya niya at ng pakakasalan niya at iilang mga kaibigan. Marami na nga ang 30 people.

But she's marrying the president's son. Parang aabot yata sa 200 ang bisitang dadalo.

She has never heard of Miles. Ni text, tawag o email ay wala siyang natanggap mula rito. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari dito. Tutol pa rin siya sa mga nangyayari. Ayaw niya pa ring magpakasal kay Adrian pero hindi pa rin siya sumusuko.

**

Muling napatingin si Adrian sa kanyang wristwatch. Thirty minutes past nine o'clock. Niluwagan niya ang suot niyang gray necktie. He's starting to sweat. Bakit naman kais isang navy blue double-breasted suit pa ang napili niyang isuot sa araw na ito.

He has never been nervous in his entire life. He's sitting in the front pew habang naghihintay. Ayaw niyang humarap sa mga bisita. Alam niyang nagkakagulo na ang mga ito.

"Are you okay, man?" Tanong ni Jack sa kanya. Dumating ito mula Singapore para maging bestman niya. May hawak itong bottled water.

Tumango siya. He has to be okay. Kailangan niyang magpakatatag.

"Yeah, I'm fine," sagot niya habang pinupunusan ang butil ng pawis sa kanyang noo.

"How long do you want to wait?"

Napatingin si Adrian sa altar. Nakikita niya ang malaking krus na naroroon. Ang mga kandila at mga bulaklak.

"What am I gonna do now?" Sabi niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa krus na tila naroroon ang kasagutan sa tanong niya.

Naririnig niya ang ingay sa loob ng simbahan. Nagbubulong-bulungan na ang mga bisitang naroroon.

"Thirty minutes more?" Ang sabi niya kay Jack.

Hindi sumagot si Jack. He looks concerned. Naupo ito sa tabi niya.

"You know she's not coming, right?" Ang sabi ni Jack at inakbayan siya. "Kanina pa natin siya hinihintay. Mag-iisang oras na tayo dito, pare."

Alam ni Adrian 'yun but she's still hoping that she will show up.

"Just thirty minutes more," mahina niyang sabi. "You can tell everyone to leave kung gusto nila. Puwede ka na ring umalis kung gusto mo."

Tumayo si Jack at iniwan siya nito.

He never expected this to happen. Sa mga nakalipas na mga araw ay naging sunod-sunuran si Samantha sa pagplano ng kasal. He thought she has finally accepted her fate. Ang akala niya tinanggap na siya nito.

Nang sinabihan niya ito na umalis na si Miles ay naging kalmado naman ito. Inakala niya na baka na natanggap na rin nito ang lahat.

Inakala niya...

He thought....

Yun ang problema. Inakala niya lang ang lahat. He feels stupid. Paano ba ito nagawa ni Samantha sa kanya?

Nothing's funny but he suddenly laughed. Bakit niya ba ito pinagkatiwalaan?

Tumayo siya mula sa upuan at hinarap ang mga naroroon. Nakaupo lang ang mga bisita. Most of them are glued to their phone. Hindi niya nakikita ang mga magulang niya. Siguro ay hinahanap ng mga ito si Samantha.

Nang makita ng mga ito na nakatayo na siya ay tumahimik ang mga ito. Nakita niya si Nicky na tumayo mula sa kinauupuan nito para lumapit sa kanya.

"Not now, Nicky," inunahan na niya ito. Tumigil naman ito sa paglapit sa kanya.

"Alright," ang sabi niya at pumunta sa gitna. "You can all go now. There will be no wedding today."

Nanatiling tahimik ang mga naroroon. Nakatingin lamang ang mga ito sa kanya na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. They were looking at him with sadness and pitty in their eyes.

Nang wala pa ring kumilos ay inunahan na niya ang mga ito. Inipon niya ang natitira niyang lakas ng loob. He took a deep breath and marched on the aisle towards the open door.

**

Kanina pa nakatingin sa iisang direksyon si Samantha. At kanina pa sumasakit ang dibdib niya. She's been fighting her tears for a long time. Ayaw niyang umiyak. Baka isipin ng mga taong dumaraan na nababaliw na siya.

Nakatayo siya sa labas ng bahay ni Miles. And from his glass window ay nakikita niya itong kandong-kandong si Jennifer. They look happy. He whispered something in her eyes. Tumawa si Jennifer.

What did he tell her?

She finally received an email from him yesterday. Ipinaliwanag ni Miles sa kanya kung bakit matagal bago ito naka-reply. Inakala nito na magiging madali ang lahat. He thought he can stand next to her as she stand against the president and his family. He can't do it. He just can't. Hindi niya kayang labanan si Adrian.

Litong-lito si Samantha nang mabasa ang email nito. Gusto niya itong makaharap. She wants real answers from him.

She took the earliest flight she can get. On the day of her wedding. Alam niyang hinahanap na siya sa simbahan ngayon. Malamang ay galit na galit sa kanya ang mga Silva, lalo na si Adrian. Malamang ay umiiyak ngayon ang mama niya.

It's not that she doesn't care. Kailangan niya munang gawin ito. Kailangan niyang hanapin ang sarili niya. Kailangan niyang mahanap ang kasagutan sa mga tanong niya.

A tear escaped her eyes. Mabilis niya itong pinahiran. Nakatingin pa rin siya sa bintana. Nakikita pa rin niyang nag-uusap sina Miles at Jennifer. Ang sweet ng dalawa. He has never been like that to her.

Tumayo si Jennifer at tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Samantha. Nakita niya ang malaking tiyan ni Jennifer. She's pregnant. Hindi masyadong malaki ang tiyan nito pero nakikita niyang mas malaki ito keysa huli niya itong nakita.

Ngayon ay alam niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Miles. She doesn't have to talk to him in person. She understands. It's over. 

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon