Chapter Fifteen: Breakfast Burrito

309K 6.2K 143
                                    


Nasa kusina si Sam at naghahanda ng almusal ni Aurora. Hindi pa rin maalis sa isipa niya ang nangyari sa kanila ni Tony kahapon. Hindi niya talaga inasahan na mula sa binatilyo ang mga bulaklak na natanggap niya. Ayun tuloy at nasaktan niya ang binata.

Inakala niya talaga na galing kay Adrian ang mga 'yun. Siya lang naman kasi ang naisip niyang may intensyon sa kanya. The flowers were perfect after the kiss they shared. Pero mali pala.

Ano bang nangyayari sa dalawang magkapatid? Who would've thought na magkakagusto sa kanya si Tony? At then there's Adrian na hindi niya maintindihan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakakausap. Nakabalik na raw ito sabi ng mga katulong pero hindi pa rin niya ito nakikita. Iniiwasan kaya siya nito?

She let out a sigh. Ang aga-aga pa para mag-isip ng problema. Mas mabuti pa ay mag-concentrate na lang siya sa paghahanda ng almusal.

Maingat na inilipat ni Samantha ang inihandang pagkain sa isang puting pinggan. Pagkatapos ay inilapag niya iyon sa iyang tray na may isang baso ng smoothie.

"Wow! Smoothie!"

Muntik nang mabitawan ni Samantha ang hawak na pinggan. Mabilis siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Belle!" Malakas niyang sabi nang makita si Belle na nakangiti sa kanya. Nagtataka siya kung bakit nasa kusina ito at kung bakit siya kinakausap nito. Madalas kasi ay nasa dining room ito at nakaabang kay Aurora.

Isang tingin lamang ang isinagot ni Samantha kay Belle.

"May kailangan ka ba sa akin?" Tanong niya rito. Gusto niya pa rin itong kaibiganin kaya she tried to be nice to her.

Belle shrugged her shoulder. Napansin ni Samantha ang newspaper na nakaipit sa kilikili nito.

"Newspaper ba 'yan?"

"Tabloid. Ang dami ko ngang nasasagap na tsimis mula dito, eh."

"Hindi ako nagbabasa ng tabloid. Pero at least nag e-enjoy ka sa binabasa mo, di ba?" ang sagot niya at pinagpatuloy ang pag-aayos sa tray.

"Enjoy na enjoy!" sagot ni Belle habang tumatawa.

Muling napatingin si Samantha kay Belle. Something is off. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari. Hindi naman kasi siya pinapansin ni Belle ngunit heto ito at tumatawa siya.

"I'm glad that you're laughing. Madalas kasi ay nakasimangot ka kapag kaharap ako."

Nagpatuloy lang sa pagtawa si Belle. Hindi na ito pinansin pa ni Samantha. Ang importante ay ma-i-serve na niya kay Aurora ang niluto niya.

"If you could excuse me, I have work to do. Ihahatid ko na muna 'tong niluto ko at nang makakain na si ma'am Aurora," sabi niya rito.

"Sure, Misha," sagot naman ni Belle.

Dinala ni Samantha ang tray ng pagkain sa dining area. Nakabuntot naman sa kanya si Belle.

"Good morning, ma'am. Kumusta po kayo?" nakangiti niyang bati.

Nag-angat ng tingin si Aurora. Inilagay nito sa mesa ang cellphone na hawak at pinagmasdan si Samantha.

"Breakfast burrito and banana and oatmeal smoothie with unsweetened almond milk," ang sabi ng dalaga habang inilalapag sa harapan ni Aurora ang pagkain.

"Thank you, Misha," ang sagot naman ni Aurora.

Seryoso ang mukha nito. Iba sa nakikita ni Sam sa mga nakalipas na mga araw. She was cheerful yesterday nang makita niya ito. Pero ngayon ay nag-iba na naman ang mood nito. Sana lang ay wala itong problema.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon