Chapter Ten: Lobster Sandwich

333K 7.5K 97
                                    


Nakatingin sa daan si Samantha. Paminsan-minsa ay sinusulyapan niya ang nagmamanehong si Adrian. Tahimik lamang ang binata. Simula nang umalis sila sa restaurant ay hindi na ito nagsalita pa. Seryoso ang mukha nito na tila malalim ang iniisip.

Gusto itong kausapin ng dalaga pero hindi niya naman alam kung anong sasabihin. Alam niyang galit ito sa kanya.

"Damn it!" Mahinang sabi ng binata nang naabutan sila ng red light. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero hindi 'yun nakalagpas sa tenga ng dalaga.

Muli siyang napatingin sa binata. Galit pa rin ang mukha nito. Halos magkasalubong na ang nakakunot na mga kilay.

"What?"

Mabilis na napatingin sa ibang direksyon si Samantha nang marinig ang binata.

"Wala," kinakabahan niyang sabi. Napatingin siya sa labas ng bintana hoping na hindi na siya papansinin ng binata.

"Alam kong may gusto kang sabihin," sabi nito at pinaandar ang sasakyan nang maging green na ang signal light.

"Wala nga, eh."

"Alam kong meron," muling sabi nito.

Nainis naman si Samantha sa sinabi ni Adrian. Nananahimik na nga siya pero heto naman ito at nakikialam.

"Ano bang alam mo? Puwede bang magmaneho ka na lang at hayaan mo na ako dito?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa kanya. Dahil ba sa sinabi niyang ayaw niyang maging girlfriend nito?

Isang sarkastikong tawa ang sinagot ni Adrian.

"I can believe this," mahinang sabi nito.

Nagpanting ang tenga ni Samantha. Kung gusto nito ng away ay pagbibigyan niya ito.

"Can't believe what?"

"Umayos ka, Misha. Matuto kang lumugar. I'm the son of your employer, remember?"

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Samantha sa narinig. Hindi siya nakapagsalita. Tama nga naman ang binata. Sa pagkakaalam ng binata ay personal chef siya ni Aurora. Dapat nirerespeto niya ito. Hindi nga naman alam nito kung sino talaga siya. If she continues to act this way ay malalaman nito kung sino siya.

What was she thinking? Siguro ay nadala siya sa galit na nararamdaman niya kaya ganoon na lang ang pagtrato niya sa binata.

"I-I'm sorry," kahit mabigat sa kanyang loob ay humingi siya ng paumanhin dito.

Hindi sumagot si Adrian. Hindi rin siya tiningnan nito. Nanatili itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Hindi na rin nagsalita si Samantha.

They were like that until they reached the mansion.

Paghinto ng sasakyan ay binuksan ni Adrian ang trunk ng sasakyan pagkatapos ay lumabas na. Isinarado nito ang pintuan ng sasakyan at iniwan ang dalaga.

Naiwan naman na nag-iisip si Samantha kung paano dadalhin ang pinamiling groceries.

"Call the maids," ang sabi ni Adrian bago pumasok sa mansion. Tila nabasa nito ang iniisip niya.

Napatingin lang si Samantha sa binata. Hindi niya talaga ito maintindihan.

**

"Omelet, French toast and black cofee," ang sabi ni Samantha habang inilalapag sa mesa ang pagkain.

Napangiti naman si Aurora. Halatang nagustuhan ang niluto ng dalaga.

"This looks good, Misha. Thank you," ang sabi nito at nagsimula nang kumain.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon