Chapter Thirty-Two: Fin

345K 7.1K 299
                                    


Kanina pa nakatayo si Samantha isa sa ilalim ng isang beach umbrella. Twenty minutes have past pero narito pa rin siya at naghihintay.

"Is he here?" Tanong niya kay VJ.

Umiling ito. He's usually talkative pero tahimik ito ngayon.

Nag-aalala na siya. She's afraid that something bad will happen.

"Gusto mong maupo?" Tanong ni VJ habang pinapaypayan siya.

"I'm okay," ang sagot niya habang inaayos ang suot niya white, lacy maxi dress. Nahuhulog kasi sa balikat niya ang spaghetti strap. Adrian said white dress. Yun lang ang puting damit na nadala niya. Nilagyan naman ni VJ ng isang flower crown ang nakalugay niyang buhok.

Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niyang nakaupo sa isang na circular setup ang mommy niya, si Nicky at Abbie. Nandoon din ang mga magulang ni Adrian na kausap ang isang minister. There were four empty chairs. Sa gitna ng pabilog na arrangement ay ang isang arbour na denekorasyonan ng mga bulaklak. Ang aisle naman ay punong-puno ng makukulay na petals.

Sa kalayuan naman ay nakatingin at naghihintay ang mga nag-uusisang guests.

She hasn't seen Adrian since their argument in the kitchen yesterday. Nagulat na lang siya pag-gising niya kaninang umaga ay dumating ang pamilya niya. Nang dumating ang mga magulang ni Adrian ay saka pa lang niya naintindihan ang plano nito. They're getting married in the resort.

"He said four pm," nagpalakad-lakad siya habang nagsasalita.

Talagang kinakabahan na siya. Paano kung ito talaga ang plano ni Adrian? Ang paghintayin siya sa wala. Siguro ito ang paraan nito para paghigantihan siya. Well, she deserves it. Kasalanan niya kung bakit hindi niya sinipot si Adrian sa simbahan. Now she's getting a taste of what she did.

Iiyak na sana siya nang biglang magkagulo ang mga guests ng hotel. Nakita niyang may tinitingnan ang mga ito.

Maya-maya pa ay nakita niya si Adrian. He's wearing a white longsleeve shirt and ligh dray pants. Kasunod nito ang isang lalaking hindi niya kilala. Pagkatapos ay nakita niya si Irene at Joon.

She bit her lip. Pinipigilan niya ang sariling umiyak. Mali pala siya.

Adrian gestured for Irene, Joon at ang lalaking kasama nito to sit down on the vacant seats. Tumayo naman ang minister at kinausap nito si Adrian. Pagkatapos ay pumunta na ang dalawa sa gitna kung nasaan ang arbour.

"Are you ready, Sam?" tanong ni VJ. Ngayon ay nakangiti na ito.

Hindi siya makapagsalita. She's still fighting her tears kaya't tumango lamang siya. Ibinigay ni VJ sa kanya ang kanyang boquet.

Napakalakas ng tibok ng puso niya. Habang papalakad siya sa aisle nakikita niyang nakatingin ang lahat sa kanya. And she can hear the guests applauding and cheering for her.

Nararamdaman niya ang malalambot na petals sa kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay lumulutang siya. Parang hindi totoo ang nangyayari.

Nang makita niyang umiiyak ang mommy niya ay nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Sina Nicky at Abbie ay nakangiti habang si Irene naman ang nagpapahid ng luha.

She looked at the middle at nakita ang naghihintay na si Adrian. He looked nervous and worried. Titingin ito sa kanya pagkatapos ay yuyuko naman.

Umiiyak pa rin si Samantha hanggang marating niya ang gitna kung saan naghihintay si Adrian at ang minister.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon