Chapter Six: Potato Chips

358K 7.6K 171
                                    


Nakakunot ang noo ni Samantha habang nakatingin sa malayo.

Nakaupo siya sa isang bench na malapit sa library. Kanina pa niya iniisip ang sinabi ng daddy niya kagabi. Halos maubos na niya ang isang bag ng potato chips sa lalim ng kanyang pag-iisip.

"Hi, Samantha!"

Napatigil siya nang marinig ang tumawag sa kanya. Lumingon siya at nakita ang papalapit na si Adrian Miguel Silva.

Ano kayang kailangan nito?

Naupo sa kanyang tabi si Adrian.

"Anong ginagawa mo?" mabilis na tanong ng dalagita. She doesn't to talk to him.

"Gusto kitang makausap,"sagot ni Adrian sabay ngiti.

Adrian is the cutest guy in school. Pero hindi gumagana ang pagiging cute nito sa kanya. Lalo na nang maalala niya ang sinabi ng daddy niya kagabi.

"Hindi ka ba natatakot na baka makita ka ng mga kaibigan mo na nakikipag-usap ka kay Samantaba?" inis niyang sagot dito. Ni hindi niya ito tiningnan. She continued eating her potato chips.

"Wala namang ibang tao, ah."

Napatingin ang dalagita sa tahimik na paligid. Wala ngang ibang taong naroroon. Kaya naman pala malakas ang loob nito na lapitan siya.

"Sinabi na ba sa'yo ng daddy mo ang...ang...ang tungkol sa atin?"

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.

"Wala...gusto ko lang —"

"Oo, sinabi na sa akin ni daddy. Bakit mo ba tinatanong? Di ba sekreto 'yun? Baka may makarinig sa'yo diyan. O baka ikinuwento mo na sa mga kaibigan mo ang tungkol sa atin?"

Biglang nagdilim ang mukha ni Adrian.

Tumaas naman ang kilay ni Samantha sa nakita. Naalala niya ang sinabi ng kaklase niya. Madali raw magalit si Adrian. He has a short temper sabi ng mga kaklase niya.

"Bakit ko naman sasabihin sa mga kaibigan ko? Pagtatawanan lang —."

Hindi naitinuloy ni Adrian ang sasabihin. Napatigil ito nang mareliaze ang sinasabi. Gusto man niyang bawiin ang sinabi ay hindi na niya magagawa. Narinig na siya ni Samantha.

"Oo nga, ano? Pagtatawanan ka lang ng mga kaibigan mo dahil na-engage ka sa isang matabang katulad ko," inis sagot ni Samantha sabay subo ng tatlong piraso ng potato chip.

"Hindi naman sa ganoon—"

"Huwag ka na ngang magsinungaling. And don't pretend to be nice to me," sagot niya. Hindi pa rin siya nakatingin kay Adrian. "Ano ba talagang kailangan mo? Gusto mo bang malaman kung masaya ako at na-engage ako sa'yo? For your information, hindi —"

"No." Adrian interrupted her. Napatiimbagang ito and took a deep breath na tila ba nagtitimpi."I want to say sorry."

Samantha rolled her eyes.

"Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Engage na nga tayo, eh."

"Hindi. Gusto kong mag-sorry sa'yo sa nangyari noong isang araw. Noong tinamaan ka ng soccer ball."

This time ay napatingin si Samantha kay Adrian. Gusto niyang makita kung talagang sincere ito sa paghingi ng sorry.

Seryoso ang mukha nito. Hindi ito nakangiti. Tila galit pa nga. Parang napipilitan lang.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon