Chapter Twenty-Seven: Lobsters and Oysters

309K 6.5K 81
                                    


Pakiramdam ni Samantha ay lumulutang siya. At habang nakalutang ay nakikita niya ang natutulog na mukha ni Adrian. His eyes were closed and his breathing even.

"Adrian," bulong ni Samantha at hinawakan ang mukha ni Adrian. He has such a handsome face. His skin was soft as she traced her finger to his forehead, down to his nose, sa malalambot nitong mga labi, to his chin and his jaw.

"I like touching your face," bulong ni Samantha ngunit nanatiling nakapikit si Adrian.

Unti-unting nararamdaman ni Samantha na gumagalaw siya. Hindi na siya lumulutang. She's slowly falling. Falling into darkness. Pakiramdam niya ay parang may humihila sa kanya pababa. Wala siyang nagawa kundi ang pumikit habang patuloy siyang hinihila pababa nang pababa...

Binuksan ni Samantha ang kanyang mga mata at muling nakita ang mukha ni Adrian. She's just a few inches from his face. Her finger still on his chin.

Napakunot ang noo ni Samantha. Nananaginip ba siya?

Bigla siyang napahawak sa kanyang sumasakit na ulo. Naguguluhan siya. Her mouth feels dry, her head is pounding. Ano ba kasing nangyari?

"Why were you touching my face?"

Nagulat si Sam nang magsalita si Adrian. Dumilat ang mga mata nito. Mabilis na umatras si Samantha papalayo ngunit napasobra yata ang pag-atras niya. Before she knew it, she fell on the floor with a big thud.

Mabilis namang bumangon si Adrian at inalalayan siya. Kaagad niyang napansin na nakaboxer shorts lamang ito. Napatingin siya sa kanyang sarili. Isang puting t-shirt ang suot niya.

Hindi niya maalala kung kailan siya nagbihis. At hindi niya rin alam kung kaninong t-shirt ang suot niya.

"Are you okay?" Tanong sa kanya ni Adrian habang inalalayan siya paupo sa kama.

Hindi sumagot si Samantha. Pakiramdam niya ay pinokpok ang ulo niya isang libong maliliit na mga bato habang sinasabunutan ng isang milyong kontrabidang babae.

Samantha tried to focus pero umiikot pa rin ang paningin niya at unti-unting sumasakit ang tiyan niya. Nasusuka siya.

"Samantha?" Muling tanong ni Adrian.

Hindi na siya sumagot. Mabilis siyang tumakbo ng banyo at sumuka.

****

Dahan-dahang ibinuka ni Samantha ang kanyang mga mata. Hindi na umiikot ang paningin niya pero medyo sumasakit pa rin ang kanyang ulo. Naalala niyang tinulungan siya ni Adrian kanina. Pinainom siya nito ng pain reliever.

Hindi niya maalala ang nangyari kagabi. Basta ang alam niya ay nalasing siya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita niyang pumasok si Adrian. Nakabihis na ito. May dala itong isang tray na puno ng pagkain.

Napaupo siya sa kanyang higaan.

"Glad you're awake," wika ni Adrian habang papalapit sa kanya.

Inilatag nito sa may paanang bahagi ng kama ang dala-dalang tray.

May laman itong scrambled eggs, bananas, crackers, coconut water at black coffee.

Napalunok si Sam. Nagutom siya bigla.

"Hindi ko alam if you'd prefer coffee or the coconut water. But all of these are good for a hangover."

"I know," sagot ni Sam.She has prepared the same food para sa mga guests na may hangover noong nagtatrabaho pa siya sa Singapore.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon