Chapter Nine: Onion Rings

340K 7.3K 155
                                    


"Hindi mo naman talaga kailangang sumama."

Pang ilang beses na ba 'yung sinabi ni Samantha? Kanina pa niya pinagsasabihan si Adrian na hindi naman kailangan nitong sumama sa kanya sa pag-gro-grocery shopping. But he insisted. Yun ang problema.

"I told you I want to be hands on with mama's birthday," ang sagot ng binata. Nasa tabi ito ni Samantha habang tinutulak ng dalaga ang cart.

Ibang storya naman ang grocery cart. They spent five minutes arguing who would push it. Sa huli, si Samantha ang nasunod.

"Hindi ka ba natatakot na baka may makakilala sa'yo dito?" Ang tanong ng dalaga. Ang gusto lang naman niya talaga ay umalis ang binata para makapag-grocery siya na hindi kinakabahan.

"That's why I used these," sagot nito habang binaba nang konti ang suot na dark wayfarer sunglasses. "I feel bad talking to you with my sunglasses on pero kailangan, eh."

Napailing si Samantha sa narinig. Hindi naman nakakatulong kay Adrian ang sunglasses. He looked good with it pero 'yun lang.

"Sa totoo lang, nakikita ko pa rin ang buo mong mukha. Alam ko pa rin na ikaw si Adrian Miguel Silva. Nagsuot ka lang naman ng sunglasses." Totoo naman ang sinasabi niya.

"Well, they don't know that."

Samantha rolled her eyes. Ano bang gagawin niya para iwan siya nitong mag-isa?

"Akala mo lang hindi. Nakita mo ba 'yong dalawang babae kanina? Tinitigan ka nila. Alam nila kung sino ka," pagsisinungaling ni Samantha. Hindi naman ganoon katao supermarket.

"Really?" Nag-aalalang tanong ni Adrian at napalingon pa sa likuran.

"Oo. Dapat siguro umuwi ka na lang," ang sabi niya, umaasang kakagat ang binata sa sinabi niya.

"No. Hands on. I want to be hands on."

Napabuntong-hininga si Samantha. Kinuha niya ang listahan ng bibilhin niya mula sa kanyang bulsa. Hinati niya 'yon sa gitna.

"Heto," ang sabi niya sabay bigay sa binata sa kalahati ng papel. Kung hindi siya iiwan nito ay uutusan niya na lang ito.

"What's this?" Nalilitong tanong ni Adrian habang tinitigan ang maliit na papel.

"Yan 'yung kalahati ng listahan. Nakasulat diyan 'yun bibilhin ko. Magtulungan tayo para mas mabilis," ang sabi niya at iniwan ang binata.

Sumunod pa rin ito sa kanya.

"Misha, hindi ko alam kung saan hahanapin ang mga ito," sabi ng binata. "This place is like a maze!"

Napailing si Samantha. Hindi pa ba ito nakapasok ng supermarket?

"Nakikita mo ba 'yung nakasabit na mga signs sa bawat aisle? Sundin mo lang ang mga 'yun at makikita mo ang hinahanap mo," ang sabi niya binilisan ang pagtutulak ng cart papalayo. Mabuti naman at hindi na siya sinundan nito.

Ilang araw na siyang na-i-stress sa paparating na birthday party ni Aurora. Idagdag pa ang French macarons na naisip ni Adrian. She loves eating macarons but she hates making it.

Mabibilang niya sa kanyang daliri kung ilang beses lang siyang gumawa ng French macarons. The first time she made them was a disaster. Ganoon din ang mga sumunod na pagkakataon.

French macarons are her mortal enemy, second to Adrian. Kung gaano kaganda tingnan ang mga ito, ganoon din kahirap itong gawin. Kaya nga sumuko na siya. Tanggap na niya na hindi talaga siya makakagawa ng French macarons pero heto siya ngayon at namimili ng sangkap na gagamitin.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon