Chapter Twelve: Chicken Avocado Salad

310K 7K 204
                                    


"Pahingi nga pala ng recipe ng sikat mong salad."

"Alin? Yung chicken avocado salad?" Tanong ni Samantha kay Irene sa kabilang ling

"Oo, 'yun nga," sagot nito. "Are you busy? Mali ba timing ng pagtawag ko?"

Umiling si Samantha. Katatapos niya lang maghanda ng breakfast ni Aurora at naisipan niyang bumalik sa kwarto para magpahinga muna. Mamaya ay mag-yo-yoga siya.

"Hindi naman. Mabuti nga at tumawag ka. I was going to call you. May good news ako sa'yo," nakangiti siya habang iniisip ang sasabihin sa kaibigan.

"What's your good news?" Naririnig niya naman ang excitement sa boses ni Irene.

"Samantha vs. the French macarons is over! I finally got it right, Irene!"

"Talaga? That's really great, Samantha! I'm happy for you!"

Hindi pa rin nawala ang ngiti sa mukha ni Samantha. Kung narito pa lang si Irene ay siguradong magdiriwang sila. Pero ngayong malayo sila sa isa't isa ay sapat na para kay Samantha ang marinig na masaya ang kaibigan.

"I know that the getting the French macarons right is a big deal for you. Kaya masayang-masaya ako para sa'yo," ang sabi ni Irene. "So, how did you do it?"

"I got a little help."

"From who?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Samantha nang maalala si Adrian. Ayaw niyang sabihin sa kaibigan pero Irene has to know. Wala siyang sekretong tinatago dito. At isa pa, wala siyang ibang mapagsasabihan sa mga nangyayari sa kanya.

"From Adrian," mahina niyang sabi.

"Adrian?!" Malakas na sigaw ni Irene. Halatang nagulat ito.

Muntik namang mabitawan ni Samantha ang kanyang cellphone sa lakas ng boses ni Irene.

"Nagkakamabutihan na ba kayo ni Adrian? Magkuwento ka nga, Samantha."

Gustong matawa ng dalaga at ikinuwento dito ang nangyari sa kanya sa nakalipas na mga linggo. Hindi makapaniwala si Irene habang nakikinig sa kanya.

"Don't you want to give him a chance? Malay mo baka magkasundo pa kayo," ang sabi ni Irene matapos niyang ikuwento ang lahat dito.

"Ano ka ba? Walang nagbago sa plano. Ganoon pa rin ang gusto ko. Ayaw ko pa ring magpakasal kay Adrian," sagot niya. "Teka, di ba't sang-ayon ka naman sa plano ko? Ba't mo sinasabi na dapat ko siyang bigyan ng chance?"

Hindi nakasagot si Irene. Tumawa lamang ito.

"Anyway, may sasabihin ako sa'yo. I really need your opinion on this."

"Ano na naman 'yan? Parang hindi ko yata gusto ang sasabihin mo."

"Naisip ko kasi, imbes na si ma'am Aurora ang kumbinsihin ko, bakit hindi na lang si Adrian?" Umpisa ni Samantha. "I think mas maiintindihan niya ako."

"What made you say that? Ano ba'ng sinabi niya sa'yo?"

"Kasi noong isang gabi, I asked him if he has been in love. And he said yes. Sa palagay ko, mas maiintindihan niya ang sitwasyon namin ni Miles."

Katahimikan ang narinig ni Samantha mula sa kabilang linya. Gusto pa naman niyang malaman kung anong iniisip nito.

"Irene?"

"Yeah, I'm here," ang sagot ng kaibigan.

"What do you think?"

"You have a point. Siguro nga ay mas makukumbinsi mo siya. Maybe you should get to know him better. Kaibiganin mo para mas lalo ka niyang maintindihan."

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon