Chapter Eight: Herbs

329K 7.3K 56
                                    


"Is he in?" ang tanong ni Adrian sa nakatayong bodyguard sa pintuan ng Presidential Suite ng hotel.

Sa halip na sumagot ay binuksan ng bodyguard ang pintuan. Pumasok naman ang binata.

Sa loob ng kwarto ay nakaharap sa bintana si President Diomedio Silva. May kausap ito sa phone. Nang marinig nito ang pagbukas ng pintuan ay agad itong lumingon at napatingin sa direksyon ng anak.

"I'll call you back," ang sabi nito at ibinaba ang phone. Lumapit si Diomedio kay Adrian.

"Adrian! I haven't seen you in a long time."

Niyakap ni Diomedio ang ama. Isang ngiti lang ang iginanti ni Adrian.

"How are you?" Ang sabi nito pagkatapos ay itinuro ang couch. Naupo naman si Adrian.

"I'm good, papa," maikling sagot ni Adrian sa ama. Matagal na niya itong hindi nakita. Nagtataka siya kung bakit bigla siyang pinatawag nito.

"How's your mama?"Tanong nito.

His parents don't live together simula nang maging presidente ang ama. Ayaw ng mama niya ang attention mula sa press at kinailangan din nitong magpahinga kaya't pinili nitong tumira sa Cebu.

"Okay naman si mama but I think you should visit her more often," sabi ni Adrian sa ama.

"Alam ko, alam ko," sagot ng ama niya. "I'll make up for her."

"Dadalo ka ba sa birthday party ni mama?" Hindi siya umaasang dadalo ito.

"Is she planning on throwing a party?"

Tumango lang si Adrian. Alam niyang abala ang ama at malamang ay hindi ito makakadalo lalo na't dalawang linggo na lang at kaarawan na ng mama niya.

"Susubukan kong madalo. Alam mo naman kung gaano ako kaabala. Siguro—"

"It's okay, papa. Maiintindihan ka naman ni mama."

Wala na yatang ibang ginawa ang mama niya kundi intindihin ito simula pa noon. Nasa mundo na ng pulitika ang ama niya simula ng bata pa siya.

"How about you? Kumusta ka na?"

"I've been sober for a long time if that's what you want to know," inunahan na ni Adrian ang ama. Madalas naman kasi ay ang pag-iinom niya ang itinatanong nito.

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. At hindi mo rin ako masisisi kung tinatanong ko ang pag-iinom mo. Ilang beses ka nang labas pasok sa rehab. Ilang beses ka ring nag-relapse. Concern lang ako sa'yo, anak."

Sa totoo lang ay naiintindihan niya ang ama kaya nga inunahan na niya ito.

"I know dad," sagot niya. "It's been a eight months since I last touched alcohol."

"Ang mga sugat mo? Have they healed completely?"

Muli siyang tumango.

"Mabuti, mabuti. I was so worried noong maaksidente ka. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko. If only—"

"Let's not talk about it, papa," putol niya rito. Ayaw niyang pag-usapan ang nangyari sa kanya. Matagal na niyang kinalimutan 'yon.

"Okay. I'm just glad that you're well," ang sagot ni Diomedio at lumapit sa table. May kinuha itong folder at ibinigay kay Adrian.

"Ano 'to, pa?" Tanong ni Adrian habang binubuksan ang folder.

"That's the report about Samantha."

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon