Chapter Three: Tuna Sandwich

420K 9.3K 252
                                    



Bitbit ang kanyang yoga mat, bumaba si Samantha mula sa second floor ng mansion. Katatapos niya lang magluto ng breakfast ni ma'am Aurora. She's been in the mansion for almost a week. Ganoon ang ritual niya. Pagkatapos maghanda ng almusal ay nag-yo-yoga siya for one hour. Minsan ay lumalangoy din siya. Natatakot siyang tumaba ulit kaya't sinisigurado niyang sapat ang exercise na ginagawa niya araw-araw.

Puwede naman siyang mag yoga sa balcony ng kanyang kwarto ngunit mas gusto niya sa malawak na Japanese garden ng mansion. Mas nakakapag-concentrate kasi siya doon at gusto niya ang tahimik na kapaligiran nito.

Papunta na siya sa kaliwang bahagi nito nang masalubong niya si Patrick, ang driver at personal bodyguard ni ma'am Aurora.

"Hi, Pat!" nakangiti niyang sabi rito.

Patrick is in his mid-thirties. Malaki ang pangangatawan nito. 'Yong tipong pang-bodyguard talaga. Mabait ito at palakuwento.

"Misha, hinahanap ka ni ma'am Aurora."

"Ha? Bakit daw?" Biglang kinabahan si Samantha. May nagawa kaya siyang hindi nagustuhan nito?

"May sasabihin yata."

"Ganoon ba? Sige pupuntahan ko siya ngayon na," ang sagot niya at tumalikod.

"Misha sandali," habol ni Patrick sa kanya at naglakad ito sa tabi niya. "Salamat nga pala sa niluto mong chicken soup. Ang sarap daw sabi ng asawa ko."

Napangiti si Samantha. Naikuwento kasi ni Patrick sa kanya noong isang araw ang kakapanganak nitong asawa.

"Mabuti naman," sagot niya.

"Basta kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin, ha?" Ang sabi nito at nagpaiwan na.

Tumango at ngumiti si Samantha. Masaya siya at nakuha na niya ang tiwala ni Patrick. Puwede na niya itong tanungin ng mga bagay-bagay tungkol kay ma'am Aurora.

Nasalubong ni Samantha si Aurora sa living area. Kasunod nito ang isang matangkad na binatilyo na abalang-abala sa kanyang cellphone.

"Misha, I forgot to tell you about my son, Tony. He just got back from his summer vacation. He'll be starting school next week. I want you to cook him something healthy."

Tumango si Samantha. Akala niya ay nabuking na siya nito. Napatingin siya kay Tony. Naalala niya na may isang anak pa pala si ma'am Aurora. She can't remember seeing him before by he could be the Samanthae age as her younger sister Abbie. Gwapo si Tony. Kamukha ni ma'am Aurora.

"And please don't give him sweets. No cakes, desserts, anything sweet," ang sabi ni Aurora.

"Can't blame me for that. I have a sweet tooth," ang sabi ni Tony. Napatingin ito sa direksyon ni Samantha. His eyes sparked.

"I need to go. I'll alk to you later, young man," ang wika ni ma'am Aurora and kissed his son goodbye.

Nang makaalis na si ma'am Aurora ay lumapit kay Samantha si Tony. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Parang nakalimutan na nito ang hawak-hawak na cellphone na kanina pa tumutunog.

"I haven't formally introduced myself," wika ni Tony. "I'm Anthony Marco Silva. You can call me Tony."

"I'm Misha," sagot ng dalaga at nakipagkamay sa binatilyo.

"Can you pretend that you didn't hear mama? Can you also make me some milkshake? Please?"

Napatawa si Samantha sa narinig. Sa tingin niya ay hindi siya mahihirapan kay Tony.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon