Chapter Eighteen: Four Seasons

282K 6.7K 158
                                    



"Adrian, please! Pakinggan mo muna ako."

Hinahabol ni Samantha si Adrian na papunta ng kitchen. Binilisan niya ang paglalakad dahil parang hindi siya naririnig nang binata.

Naabutan ni Samantha ang binata na nakatayo sa gitna ng kitchen. Kasalukuyan itong naghuhubad ng t-shirt. Nalilito naman si Samantha sa ginagawa nito. Nang makita niyang bubuksan na sana nito ang pintuan patungo sa pool ay saka pa lang niya naintindihan ako gusto nitong gawin.

"Adrian, please," mabilis niyang hinawakan sa braso ang binata. Seriously? Maliligo pa rin ito sa pool sa kabila ng nangyari?

Napatigil ito at napatingin sa kanya.

"What?" Mahinang sagot nito. His expression blank. His empty eyes staring at her.

Hindi tuloy alam ni Samantha kung anong nararamdaman nito. Is he angry? Naiintindihan ba siya nito.

"I want to explain," sabi niya rito at binitawan ang braso nito.

"Then explain."

Humugot siya ng malalim na hininga na tila ba doon niya kinukuha ang lakas ng loob para magpaliwanag.

"Wait. What shall I call you? Misha or Samantha?"

Napapikit si Samantha sa narinig. Bakit pa kasi nagsalita si Miles kanina?

"Adrian, intindihin mo naman ako. I hope you understand why I'm doing this," umpisa niya.

"Understand you?" Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Adrian. "How about this? Could you help me understand why you were pretending to be someone else? You lied to me and you lied to my mama. Why?"

Napalunok si Samantha sa narinig. Parang galit na galit ang binata pero hindi wala siyang makitang galit sa mukha nito. Baka nagtitimpi lang ito.

"I wanted to convince your mama na huwag nang ituloy ang kasal natin."

"Oh, really? Are you out of your mind?" Natatawang tanong nito. "You're crazy!"

"Call me crazy, wala akong pakialam. You know that I never wanted to marry you. I want my freedom."

"Freedom?!" Malakas na sabi ni Adrian. "Where were you the last four years, Samantha? You were out there doing what you wanted to do!"

"I was hiding! I was hiding from you and your family!" Ganting sigaw ni Samantha.

"Ikaw pa 'tong galit?"

Bigla rin naman siyang napatigil nang marealize ang ginagawa niya. Hindi ngayon ang panahon para makipag-away dito. She needs him to understand her. Dapat niya itong makumbinsi na huwag munang sabihin sa pamilya nito kung sino talaga siya.

She was standing there thinking about what to say nang biglang tumalikod ang binata. Hindi makapaniwala si Samantha. Muli niyang hinila ang braso nito.

"Seriously? You still want to go swimming right now?" Galit niyang tanong nito.

"Would you rather I punch your fake fiance? Because I really want to hurt him!"

Hindi nakapagsalita si Samantha. Ano bang isasagot niya? Please don't?

"What do you want from me, Samantha?"

Nagkatitigan silang dalawa. Unti-unting nakikita ni Samantha ang pag-iiba ng emosyon sa mukha ni Adrian. Now she can clearly see that he's angry at her. Muli siyang bumitaw sa pagkakahawak dito.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon