Chapter Twenty-One: Fruits

295K 6.7K 245
                                    


Makalipas ang ilang oras na biyahe ay narating na rin nina Sam, Adrian at Victoria ang kanilang destinasyon. Ang Blue Crown Beach Resort and Spa na pag-aari ni Adrian.

Samantha pretended to be tired or asleep the entire time. Ayaw niya kasing makausap si Adrian. Ayaw nga niyang sumama pero wala siyang magagawa. It looks like the Silvas own her.

Noong pinuntahan siya ni Adrian sa bahay nila ay wala siyang nagawa kundi sumama rito. Her mom encouraged her to try and be close to Adrian. Pakisamahan na lang daw niya ang pamilya nito. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

Hindi pa rin naibabalik kay Samantha ang kanyang cellphone. Hawak pa rin ng mg Silva ang passport niya. She wanted to check her emails pero ni hindi siya makagamit sa computer na nasa mansion.

The mansion was heavily guarded. Ilang beses kasing bumalik si Miles. That's the reason why pinapunta sila sa resort ni Adrian sa Bantayan. Hindi raw siya matuntunton ni Miles doon.

Pagkababa nila mula sa van ay kaagad silang sinalubong ng staff ng resort at kinuha ang kanilang mga bagahe.

Kinausap ni Adrian ang driver ng van na sinakyan nila. Si Victoria naman ay kaagad na pumunta sa reception area. Hindi alam ni Samantha kung saan siya pupunta kaya't sinundan niya si Victoria. Nakita niya na binigyan ito ng susi ng receptionist.

Nang makaalis Victoria ay kinausap naman ni Samantha ang receptionist.

"Hi!" sabi niya dito habang nakangiti.

"Hi, ma'am Samantha. I hope you enjoy your stay here."

Napatawa siya sa narinig. Kilala pala siya ng receptionist.

"I hope so, too," sagot niya habang hinihintay ang susi ng kwarto niya.

She got confused nang mapansin niyang wala namang ginawa ang kaharap na receptionist. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa kanya.

Magtatanong na sana siya nang nilapitan siya ni Adrian.

"What are you doing?" tanong nito sa kanya.

"Kukunin ko lang 'yong susi ng kwarto ko," sagot niya at muling hinarap ang receptionist.

"What?" Natatawang tanong ni Adrian. "You're staying with me."

***

"Saan ako matutulog?" tanong ni Samantha nang makita ang nag-iisang kama sa villa ni Adrian.

Maganda ang villa ni Adrian. May duyan sa balkonahe nito, maliit na sala, isang kitchenette na kompleto ng appliances, isang dining area at isang kwarto na may queen size bed.

"You're looking at it," sagot ni Adrian habang nililigpit ang mga gamit nila.

"Is this a joke?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang kamang tinutukoy nito.

Tumayo sa tabi niya si Adrian.

"No. Kasya naman tayo diyan," ang sabi nito.

She started to panic. She's not sharing the bed with him.

"Mukhang maliit ang bed na 'to para sa atin. Wala na bang ibang bakanteng kwarto sa resort?"

"No. We're fully booked."

Umiling si Sam. This is one of his games again.

"Doon na lang ako sa kwarto ni Victoria. I'm sure she won't mind."

"No, Victoria always has her own room."

"How about your employees? Saan ba sila natutulog? Maybe I can stay in one of—"

"You're my fiancee," putol ni Adrian. Sinimulan ang paglilipat ng mga gamit mula sa bag. Isa-isa nitong nilagay sa cabinet ang mga dalang damit.

Hindi naman makapaniwala si Samantha sa isinagot ng binata.

"Kapag mag-fiancee ba dapat magkasama na kaagad sa iisang kwarto?" Naiinis na sabi ni Samantha.

"Anong gusto mo? Matulog ako sa sahig?"

"Bahala ka basta hindi tayo matutulog sa iisang kama.

"Paano kung kasal na tayo?"Ang tanong nito at biglang lumapit sa kanya.

"What? Who says I want to marry you?" Adrian was too close. Naamoy niya ang pabango nito. Naiinis pa rin siya dito kaya't minabuti niyang lumayo.

Hindi naman siya tinigilan ni Adrian. Sinundan siya nito.

"You have no choice. You have to marry me."

"I'm in love with Miles," sinabi niya 'yun para saktan ito.

But Adrian didn't seem affected. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. He has that playful look in his eyes again.

"And I'm in love with you."

Her heart leapt after hearing those words. Bakit ba parang natutuwa ang puso niya sa tuwing naririnig ang mga salitang 'yun?

"At isa pa, engaged na tayo bago naging kayo ni Miles. Technically, you cheated on me."

"What?!" Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.

"But that's okay. I forgive you."

Napanganga si Samantha sa narinig. He forgives him? Ang kapal!

"Back to the bed," muling sabi ni Adrian nang hindi siya magsalita.

"Gaya ng sinabi ko, I am not sleeping on that bed with you!" Bakit ba siya nililito nito?

"Paano iyan, eh, gusto ng magkaapo ni mama. I was hoping that we'll have nights of love making and —"

Images of them flashed in her mind. Kapwa sila nakahubad sa kama at...

"No! Hindi ako matutulog dito," putol niya ang sasabihin pa sana ni Adrian. At bakit ba parang naging overactive na ang imagination niya simula nang makilala ang binata.

"Maglagay na lang tayo ng unan sa gitna ng kama," ang sagot ni Adrian.

Unan? Hindi makapaniwala si Sam sa narinig. Nagbibiro ba ito?

"Anong magagawa ng unan? Mapoprotektahan ba ako ng unan laban sa'yo?"

Napatawa naman si Adrian.

"Hindi para sa aking ang unan. Hindi ako rapist," sagot ni Adrian habang nakangiti sa kanya. "Ang unan ay para sa'yo. In case you won't be able to resist me."

"Believe me, I can resist you!" inis na sagot ni Sam.

"Patunayan mo. Let's share the same bed." Paghahamon nito sa kanya.

"Fine! Let's share this bed!" sagot niya. Ipapakita niya rito na hindi siya maapektuhan nito.

"Are you hungry? I'll get some fruits if you want."

"No!" galit niyang sagot niya. Iniisip niya kung paano siya matutulog na katabi si Adrian. Pag-alis ng binata ay saka pa narealize ni Samantha na naloko siya ng binata. Nagtagumpay ito sa gusto na matulog sila sa iisang kama.

Napailing siya. "Unbelievable!"

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon