Chapter Two: Oatmeal Cookie

538K 11.3K 320
                                    


"I just hope you're here para makita mo kung gaano kaganda ang mansion ng mga Silva."

Nakatayo si Samantha sa balcony ng kwarto niya habang kumakain ng oatmeal cookie. Mula doon ay kitang-kita niya ang napakagandang view ng Cebu city. Sa baba naman ay makikita ang napakalawak na infinity pool.

"And I just hope na sana ay alam mo ang ginagawa mo," ang sagot ng kaibigan niyang si Irene na nasa kabilang linya. Nasa Seoul ito ngayon.

Heto na naman si Irene. Sesermonan na naman siya nito.

"I know what I'm doing, Irene. Pinag-isipan ko itong mabuti and I'm determined to talk to ma'am Aurora."

"Ma'am Aurora? Shouldn't you call her tita? She's your future mother-in-law, di ba?"

Hindi mapigilan ni Samantha ang tumawa. Hindi talaga sang-ayon ang kaibigan sa plano niya.

"Yeah, go ahead, tease me. Kahit ano pang sasabihin mo, I'm not backing out."

Isang malalim na hininga ang narinig ni Samantha mula sa kabilang linya.

"Alam mo ba na hindi makapaniwala si Joon na bigla ka na lang nag-resign sa position mo.Talk about being impulsive!"

Joon is Irene's loaded boyfriend. Ito ang may-ari ng restaurant na dati niyang pinagtatrabahuan sa Singapore as a maitre d'. Ngayon ay nasa Seoul na si Irene at isa ng manager sa hotel na pagmamay-ari pa rin ni Joon.

"I didn't do it because of an impulse. Ginawa ko ito para—"

"Para kay Miles," putol ni Irene sa sasabihin niya.

"Oo para kay Mile at para sa sarili ko. Ginagawa ko rin 'to para sa sarili ko," sagot ni Samantha. Her heart hurt a bit nang sambitin niya ang pangalan ni Miles. "Para sa sarili ko rin itong ginagawa ko. I have all the right in the world to be free. May karapatan akong gawin ang gusto ko. I have the right to marry the man I want at walang kasunduan ang makakapigil sa akin."

"Pero kung hindi ka hi— kung hindi nangyari ang nangyari sa inyo ni Miles, gagawin mo ba ang lahat ng ito? You have a great job, kilala ka bilang isang magaling na chef. You've worked hard to achieve that tapos sa isang iglap iiwan mo lang ang lahat para kumbinsihin ang first lady ng Pilipinas na huwag kang ipakasal sa anak niya?"

Hindi nakasagot si Samantha. Minsan talaga ay magaling makipagdebate ang kaibigan.

"You were so good at hiding. Hindi ka nila nakita after all these years pero ngayon ikaw pa itong pupunta sa kanila. It's like you're stepping into the lion's den."

This time si Samantha naman ang napabuntonghininga. Miles might not be the reason kung bakit niya ginagawa ito but he's the main reason that drove her to this decision.

"You know I had to, Irene. Can you just be a friend and support me?"

Irene is very straightforward. Kung may ginagawa siyang hindi tama ay sinasabi agad nito. Pero ngayon ay hindi niya kailangan ng konsensya. Kaibigan at suporta ang kailangan niya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Alam kong kapag may naisip kang gawin ay hindi ka titigil hanggat hindi mo nagagawa. Kahit hindi ko gusto ang plano mo susuportahan pa rin kita," sagot ni Irene. "What exactly is your plan?"

"Sinabi ko na sa'yo. I'll try to be close to ma'am Aurora. Kapag nakuha ko na ang loob niya, saka ko siya kukumbinsihin na huwag nang ituloy pa ang kasal namin ng anak niya."

Natahimik sandali si Irene.

"Sandali," sagot nito pagkatapos. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na ayaw mong magpakasal sa anak niya para matapos na ang lahat?"

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon