Chapter Twenty-Two: Green Tea

310K 6.5K 153
                                    


Kinabukasan ay maagang nagising si Samantha. Mabilis siyang bumangon at napatingin sa kaliwang bahagi ng kama. Nandoon pa rin sa gitna ang mga unan pero wala na si Adrian. His side of the bed looked untouched.

Siguro ay nakipag-party ito sa mga guests. Narinig niya kagabi na may nag-celebrate ng birthday sa resort. And Adrian is a playboy. Maybe he went out with one ot the girls from the resort. Kung nasaan man ito ay wala na siyang pakialam.

Nag-inat siya at bumangon. Bumaba siya sa kamata at kinuha sa kanyang traveling bag ang pouch ng kanyang toiletries. Kinuha niya doon ang kanyang toothbrush at toothpaste.

She went straight to the the batroom. Humihikab pa siya habang dahan-dahang binuksan ang pintuan ng banyo. Pagbukas ng pintuan ay siya namang pagbukas ng glass door ng shower at lumabas ang bagong ligo na si Adrian. And Completely naked.

Sa gulat ay malakas niyang naitapon ang toothpaste sa binata. Tinamaan ito sa mukha.

"What the...?!"

"You're naked!" sigaw niya sabay talikod. Napapikit siya habang pilit na binubura ang nakita niya. Paano niya ba makakalimutan ang nakita niya?

The image of him standing stark naked will stay in her brain. Forever. Kasama na ang alaala ng mga halik nito.

"Yeah, I know," natatawang sagot ni Adrian habang pinapatuyo ng tuwalya ang basang buhok.

"Ba't ka ba nandito?" tanong niya.

"Here's your toothpaste. Ang sakit ng pisngi ko, ah."

Humarap siya para kunin ang toothpaste mula kay Adrian. Nang makita niyang nakahubad pa rin ito ay kaagad siyang napatalikod.

"Oh my god! Bakit nakahubad ka pa rin?"

Adrian just laughed and hung the towel on his shoulders. Lumapit ito sa harap ng salamin, naglagay ng shaving cream sa mukha at nagsimulang mag-ahit.

Parang nanadya yata ito.

"N-nakapagbihis ka na ba?" kinakabahang tanong ni Sam. Pakiramdam niya ay kasing-pula na ng watermelon ang mukha niya.

"No," sagot ng binata, nakangiti sa dalaga.

"Paano ako mag-to-toothbrush ngayon?"

"Puwede ka namang magtoothbrush dito sa tabi ko. The sink is enough for both of us. Like the bed."

Napapikit siya sinabi nito. Why is he always teasing her?

Dahan-dahang niyang nilingon ang lababo. She's trying her best not to look down or she'll see Adrian's...thing.

Nakatayo si Adrian malapit sa lababo at nakaharap sa salamin. His jaw full of shaving cream and his wavy hair dripping with water.

"Bakit ka ba natatakot? Are you afraid of my naked body? Dapat ay masanay ka na. Lalo na't magpapakasal tayo."

Nainis siya sa narinig kaya't hinarap niya ang binata at padabog na lumapit sa lababo.

"Hindi ako natatakot sa katawan mo!"

Hindi kalakihan ang banyo. Adrian was standing next to her with only a few inches between them. Napatingin siya sa salamin at nakitang nakangiti sa kanya si Adrian.

Nagconcentrate siya sa pagsisipilyo at pilit na iniiwasan na mapatingin kay Adrian. Parang dumudugo na yata ang mga ngipin niya sa kakukoskos niya.

She was staring at her face in the mirror but in the corner of her eyes ay nakikita niya pa rin ang maskuladong katawan ni Adrian. Ang malapad na dibdib, mga matitigas abs nito...ang mga braso nito....

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon