Chapter Eleven: Strawberry Ganache

319K 7.5K 89
                                    


Nang gabing 'yun ay hindi makatulog si Samantha. Kanina pa siya nag-re-research tungkol sa French macarons. Binabasa niya ang techniques ng ibang mga chef at cooks. Tinandaan niya rin ang mga tips na nabasa niya.

She let out a sigh. Naisip niya na kahit anong basa niya ay hindi niya pa rin mapapabuti ang pagluluto niya kung hindi niya gagawin ang mga tips and techniques ng ibang chef.

Iniwan niya ang kanyang laptop at kumuha ng apron mula sa kanyang closet. Isinuot niya 'yon at lumabas ng kwarto. Kailangan niyang mag-practice.

Pagdating niya sa kusina ay inihanda niya ang kanyang mga ingredients at kitchen appliance na gagamitin. Pagkatapos ay inilabas niya ang index card kung saan nakasulat ang kanyang French macaron recipe.

"Here goes nothing," ang sabi niya at nagsimula siyang maghanda.

Isinaksak niya sa outlet ang food processor at inilagay doon ang powdered sugar at ground almonds. Makatapos ang ilang minuto sa food processor ay ipinadaan niya ang sugar and almond mixture sa strainer para masigurong pinong-pino ito.

Nang matapos ay kinuha niya ang stand mixer at dahan-dahan niyang inilagay ang egg whites. She turned it on and started beating them. Pagkatapos ay inihalo niya ang white sugar. Naisip niyang regular sugar muna ang gagamitin. Kapag naperpekto na niya ang pagawa ng French macarons ay saka pa lang niya gagamitin ang sugar substitute.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na ang kanyang meringue. Napangiti siya habang tiningnan ito. She got the right consistency—glossy, fluffy and soft peaks. Nilagyan niya 'yon ng pink na food coloring.

Now to the crucial part. Inihalo niya ang sugar and almond mixture at meringue. In this step, dapat ay hindi masobrahan o makulangan ang paghahalo niya sa ingredients. Dapat sakto lang. Dito siya kadalasang nasasabit.

Sabi sa isang tip na nabasa niya, dapat tatlumpong beses na paghalo ang gagawin niya. Hindi kukulang at hindi lalagpas sa tatlumpo. Kaya huminga siya ng malalim at tahimik na nagbilang.

1...2...3...4...

...12...13...19...

"What are you doing here?"

Gulat na napatingin si Samantha sa nagsalita.

It was Adrian. Nakatayo ito sa pintuan ng kusina. Nakasuot ito ng puting t-shirt at blue na boxer shorts.

"No, no, no, no, no!"

Bakit ba bigla na lang itong sumusulpot? Nakalimutan niya tuloy kung nasaan na siya sa kanyang pagbibilang.

"I got thirsty. I need something to drink," ang sabi nito. Kumuha ito ng baso at kumuha ng tubig sa water dispenser. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. "You're making French macarons?"

Napailing si Samantha. Natitiyak niyang palpak ang gagawin niya.

"I'm trying to," inis niyang sagot at ipinagpatuloy ang paghahalo sa kanyang mixture.

"Can I watch?" Natutuwang sabi ng binata.

Muling napailing si Samantha. Wala siyang ibang magagawa kundi hayaan ang binata.

"Do you need help?"

Now he's in the kitchen, he might as well help.

"Pakilagay na lang ng parchment paper sa baking tray," ang sagot niya at itinuro ang nakahandang gamit sa countertop.

Mabilis namang kumilos ang binata. Kinuha nito ang parchment paper at inilagay sa baking tray.

"Wow. Bakit may mga bilog 'tong parchment paper mo?" Natatawang tanong ni Adrian. Tila natutuwa ito habang nakatingin sa parchment paper.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon