Season 2: episode 9

1.6K 69 5
                                    

Sheena

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa waiting area ng ospital. Kalong ko si Maki habang natutulog nang lumabas ang isang babaeng Nurse mula sa loob ng silid.

Inayos ng Nurse ang suot niyang salamin bago tinignan ang hawak niyang papel. "Flawless?"

Nagtinginan sa kaniya ang mga tao sa paligid.

"Flawless?" ulit niya pero walang umiimik.

Tinignan ng Nurse ng maigi ang hawak na papel. "Sheena Marie Flawless."

Diyos ko. Ako pala.

Napangiwi ako. "Flores po," sabi ko sabay tayo. "Ako po."

Inayos niya muli ang suot na salamin. "Ikaw 'yong tumawag ng ambulance?"

"Opo," tango ko.

"It's not serious. Just stress. Mabuti na lang at nadala siya agad dito."

Napasapo ako ng dibdib at nakahinga ng maluwang sa sinabi niya. "Salamat naman."

"Kilala mo ba ang pasyente, Miss Flawless?"

"Flores po," pagtatama ko. "Hindi ko po siya kilala. Nakita ko lang siya na natumba sa daan."

"I see."

"Okay na po ba siya?"

"Actually, gising na siya and he wants to see you."

"Ho?"

"Yes. Gusto ka niyang makita, Mis Flawless."

Leche. Flores nga kasi, e.

***

Kalong ko pa si Maki nang pumasok ako ng silid nang harangin ako ng isang Nurse.

"Ma'am, bawal po ang aso sa loob ng ospital."

"S-sorry, wala po kasi akong mapag-iwanan sa kaniya," sabi ko.

"It's okay," sabi ng kasunod kong Nurse sa kasamang Nurse.

Nakita ko ang matandang lalaki na nakahiga sa kama, habang nakatingin sa labas ng bintana. Malamig at tahimik ang loob ng silid. For a while, naalala ko tuloy bigla no'ng na-ospital si Zack... I...

"Hindi pa raw ako makakalabas rito," biglang usap ng matanda habang nakatingin sa labas. Medyo may pagkamasungit ang dating ng boses niya.

Natigilan ako sa paglalakad. Tumingin sa akin ang Nurse at nagkibit-balikat.

"Kailangan ko pa raw ng kahit isang araw na pahinga. Can you believe that?" muling sabi ng matanda.

Lumapit ako sa tabi ng higaan niya at ngumiti. "Kumusta po ang pakiramdam n'yo, Lo?"

"Ben," sabi niya. "My name is Ben Madrigal." Mababakas ang atoridad sa boses niya. Napayuko si Maki na para bang natatakot sa matanda.

Nginitian ko si Lolo. "Hello po, Lolo Ben. Ako po si Sheena."

Nagbutunghininga siya. "I know. Sinabi na nila sa akin ang pangalan mo." Nagpaling siya ng tingin sa akin. Medyo masungit siya kung makatingin. Mapapansin na ang mga guhit sa mukha niya bakas ng katandaan at maputi na rin ang buhok.

"Bakit mo ako tinulungan?" tanong niya.

"Ho?" Natulala ako sandali.

"Sabi ko, bakit mo ako tinulungan?"

To be honest, hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.

"Maybe... dahil kailangan n'yo po ng tulog that time?" I answered in uncertainty.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon