Season 2: episode 10

1.7K 61 1
                                    

Sheena

Inuwi ko muna si Maki sa bahay ni Meg, then I tried to call Mr. Jona para iparating 'yong message ni Lolo Ben kay Zack pero I couldn't reach him. Wala na akong number ni Zack so, I had no choice. Pinuntahan ko si Zack para ibigay ang address ng ospital kung nasaan ang lolo niya. Ayoko na sanang makipagkita sa kaniya dahil pinaghintay niya ako at hindi sinipot sa park, pero this is for Lolo Ben. I tried my luck waiting outside the studio hanggang sa nakatulog ako. At hindi ko inaasahan ang mga susunod na nangyari.

Mahigpit ang hawak sa akin ni Zack nang hilain niya ako palapit sa kaniya. Parang tumatagos ang mga titig niya sa kaluluwa ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Hindi ko magawang makakilos na para bang maliit na halaman sa paso... Wait. Maliit na halaman sa paso? Shemay. Ano bang sinasabi ko.

Sunod-sunod na busina ang umagaw sa atensyon naming dalawa. "Hoy! H'wag kayo d'yan magyakapan!" himutok ng driver ng kotse na aatras sana mula sa pagkakaparada. Nakaharang pala kami ni Zack.

Mabilis akong kumawala sa mga bisig ni Zack at napaayos ng sarili.

"Hey. Okay ka lang ba?" tanong niya.

"I-I'm fine."

Dinampot ni Zack ang piraso ng papel na nahulog sa bangketa kung saan nakasulat ang address ng ospital.

Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. "Nasa ospital ang Lolo mo, Zack," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "What?!"

When I told him about Lolo Ben. Gusto niyang samahan ko siya sa ospital. Tumanggi ako pero he insisted. I could have walked away that moment pero somehow a part of me doesn't want to go leave... I can't.

God, what is wrong with me? Kasama ko na naman si Zack.

***

Zack

Nag-aalala ako kay Lolo Ben. Mabuti na lang at okay naman daw siya. I really can't believe na nakita siya ni Sheena sa daan... Mabuti na lang at mabait si Sheena.

Eversince pumasok ako sa music industry, hindi ko na nakikita o nakakausap man lang si Lolo Ben. Parang itong katabi ko. Kanina pang nakadungaw sa labas ng kotse. Ni hindi man lang umiimik.

Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa isang side ng mukha niya. Ang tahimik niya.

Inexted ko ang braso ko sa harap niya para buksan ang maliit na lalagyan sa harap niya. Kinuha ko mula roon ang heart-shaped shades at iniabot sa kaniya.

"Here."

She took the shades from my hand. "Salamat," matipid niyang sabi. Hinawakan lang niya 'yong shades at tumingin ulit sa labas.

"Hey. About last night sa par---"

"Okay lang," putol niya sa pagsasalita ko habang nakatingin siya sa malayo.

What was that all about? Bakit ba ang tahimik niya. Okay naman kami no'ng mga nakaraang araw, a? Is it because of that guy?

***

Sheena

Nakapaling ako ng tingin sa labas ng bintana ng kotse habang nagmamaneho siya. Iba na ang kotse niya. Iba na rin ang air freshener. Siguro nga nagbabago talaga ang mga bagay. 'Yong mga bagay na nasa memory natin ay hindi na nag-eexist sa kasalukuyan.

Nararamrdaman ko na naman na unti-unti bumabalik 'yong sakit dito sa dibdib ko. Pero, bakit nandito pa rin ako? Bakit?

I was thinking about what Mama, Papa, Megan, Chris, Arjhay said---kailangan kong layuan si Zack. It's for my own sake. Pero, bakit ang kulit-kulit ko?

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon