Season 2: episode 20

1.8K 60 3
                                    

Zack

Nagpunta ako sa studio at dumiretso ng meeting room kung saan naroon si Hailey, nag-uusap kasama ng director, ilang artista at producers sa harap ng mahabang mesa. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat nang padabog akong pumasok ng silid.

"Z-Zack, y-you're late," naiilang na sabi ni Mr. Laucheng. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi dahil sa expression ng mukha ko. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa paglalakad hanggang makarating ako sa harap ng nakaupong si Hailey.

"Pinuntahan mo raw si Sheena," seryoso kong sabi.

"Excuse me?" taas niya ng isang kilay. Bakas sa mukha niya at ng lahat ang pagtataka, but I don't care anymore.

"Zack, we're in the middle of a meeting, ano ba!" pabulong niyang sabi.

"Zack, may problema ba?" tanong ni Ms. Lilibeth. But I didn't answer. Nakatingin lang ako kay Hailey, waiting for her answer.

Inilabas ni Hailey ang mga ngipin niya. "Zack, will you please just sit down."

"What, you care about this movie pero wala kang pakialam kung makasakit ka ng ibang tao at ng pamilya nila?" sabi ko.

A rise of murmuring suddenly occur around the room.

Tumayo si Hailey at nagpadyak ng isang paa. "Z-Zack!"

"The next time na saktan mo si Sheena, hindi na kita mapapatawad," I strongly said bago tumalikod.

Natulala siya sa sinabi ko.

Lumapit ako kina Mr. Laucheng and Ms. Lilibeth. "I can still quit the movie, right?"

Nagkatingin ang lahat at nagbulungan.

"W-well, t-technically, y-yes. As long as we're not yet starting," Mr. Laucheng said.

"I quit. I'll have my manager call you," sabi ko.

Tumalikod ako at naglakad palalabas ng silid na 'yon.

***

I went back to my unit to get some stuff. Pagdating ko, naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa. She doesn't look so happy.

"I went to the ospital. Where have you been?"

"I don't want to talk about it, Ma."

"Tumawag si Hailey, umiiyak. She said you dropped the movie, are you out of your mind, Zack?!"

"No, Ma, actually, nasa tamang pag-iisip na ako."

Huminga lang siya ng malalim at tumingin sa malayo. "Jona told me, nagbalik na raw ang alaala mo."

Dumiretso ako ng kuwarto at kumuha ng white long sleeves sa drawer bago bumalik sa sala.

Tumayo si Mama. "Saan ka na naman pupunta?"

"I'm going to find Sheena."

"Nababaliw ka na bang talaga, Zack? That gold digger?!"

"Ma! Hindi siya gold digger, you know that!" hindi ko na napigilang sigaw.

Nagulat si Mama. "How dare you, talk to me like that?!"

"Just stop, Ma! Alam ko na ang lahat. Inilihim nyo sa 'kin ang totoo! Kayo ni Hailey---are-pareho kayo. Pinagmukha n'yo akong tanga!"

Isang malakas na sampal ang binitiwan ni Mama sa mukha ko. I saw it comming, pero hindi ko 'yon iniwasan.

"Happy?" sarkastiko kong tanong bago naglakad palayo at padabog na lumabas ng unit.

Iniwan ko siyang tulala habang habang hawak ang kamay na ipinansampal niya sa akin.

***

3rd Person POV

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon