SEASON 2: episode 2

5.6K 130 7
                                    

Zack

I was having a phone conversation with Hailey while driving, when I saw Sheena Flores, walking along the street. Well, I couldn't know for sure.

        "Zack? Zack?!" sambit ni Hailey mula sa kabilang linya.

        "Mamaya na tayo mag usap, alright? Bye."

        "Za--" pinatay kona yung phone.

Dahan-dahan ko lang pinatakbo ang kotse para sundan si Sheena habang naglalakad siya sa pathway. Ilang saglit pa'y huminto siya paglalakad at umupo sa isang waiting shed bench.

Itinitgil ko ang kotse at pinagmasdan lang sya mula sa loob ng kotse.

I can sense na parang malungkot sya. Tulala habang nakatingin sa sapatos nya.

Sampung minuto ang lumipas, nakatingin pa rin siya sa sapatos niya. What's with the shoes? Seriously?

Ilang jeep at bus na ang dumaan, pero hindi sya pumapara. May hinihintay ba sya?

I'm having this sudden burst of curiosity. Sino ba talaga si Sheena Flores? Bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya?

Maya maya pa, tumayo na sya at naglakad ulit na parang wala sa sarili. Bumaba ako ng kotse at nagsaklob ng hoodie sa ulo bago ako naglakad kasunod niya... Hindi ko alam kung bakit ko sya sinusundan. Shit.

Diretso lang sya sa paglakad. Halos ilang dipa ang lang layo ko mula sa likuran nya. Ang galaw ng lakad niya, ang sayaw ng buhok niya, ang kurbada ng... Teka nga! Bakit ko ba siya sinusundan?!

Bigla syang huminto sa harap ng isang hotdog stand. Nakatayo lang siya doon. Bibili ba siya?

Narinig kong inalok siya ng nagtitinda, pero bigla na lang syang sumigaw.

        "I HATE YOU ZAACK!!"

Nagtinginan sa kanya ang lahat ng tao sa paligid.

Napanganga ako at natulala. Did she just say---what?? Alam kong hindi nya alam na sinusundan ko sya.

Out of nowhere, biglang na lang akong may naalala.

"Pwede bang bilhin ko na lang 'yang hotdog mo?" tanong sa 'kin ng isang babae.

        "Ayoko."

        "Kahit half?"

        "No."

        "What if wamport?"

        "I said no! Baliw ka ba?" Inilayo ko ang hotdog sa kaniya. "Leave me alone," sabi ko bago ako tumalikod at naglakad palayo.

Napahawak ako ng sentido. What the hell was that?

Naglakad na siya ulit. Sinundan ko siya ulit.

Nakatingin lang ako sa likuran nya, hindi ko lubos maisip kung bakit pakiramdam ko may mabigat kaming koneksyon sa isa't-isa. Siguro 'yon ang humahatak sa mga paa ko para magpatuloy sa pagsunod sa kanya.

Umakyat sya sa isang footbridge at doon tumigil. Napayuko siya. Sandali siyang natigilan bago isinampa ang isa niyang paa sa railing ng footbridge. T-teka?! Tatalon ba sya!?

Sa sobrang taranta ko ay mabilis akong napatakbo para pigilan siya.

        "Hey, stop! Wag mong gawin yan!!" sigaw ko sa kaniya.

Kasabay nang paglingon niya sa akin ay ang mabilis kong pag damba sa kanya. Natumba kaming dalawa sa semento, habang magkayakap.

        "Araaay!" inda niya. Mahigpit ang yakap ko sa kanya para hindi siya makapalag. "Anu ba!? Bitiwan mo ako!! Manyak!" Isang malakas sa hampas sa pagkalalaki ko ang nagpabitiw sa akin mula sa pagkakayakap sa kanya.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon