SEASON 2: episode 5

5.4K 127 24
                                    

My MVP Girl
Halloween Special (part 2)
_____

Sheena

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko habang tulak-tulak ang malaking grocery cart. Nasa grocery kami ngayon ni Megan. Ikinuwento ko lahat sa kaniya ang mga nangyari kagabi.

Napasapo siya ng dibdib. "What? Nagusap kayo ni Zack at nag kiss kayo? Tapos nagtapat sa 'yo si Chris??"

"Recap ba ito ng last chapter? Oo nga 'di ba. 'Yun nga yung mga nangyari."

"Okay, so anong ginawa mo?"

"Ayun, dedma na lang kami ni Zack."

"Hindi! Anong ginawa nyo ni Chris?"

"Ahh---eh wala. I don't know what to say to him."

"In good terms pa rin naman ba kayo?"

"Okay naman kami ni Chris, nagulat lang talaga ako nung nagtapat siya."

"Hindi! Kayo ni Zack---good terms pa ba kayo?"

"Ahh---sabi niya hindi na daw niya ako guguluhin ulit. We had an agreement. Okay na rin yun para maayos ko na yung mga broken parts ng buhay ko."

"I see. So, wala na ba talagang chance yung sa inyo?"

"Sa tingin ko malabo na talaga kami ni Zack, tska sabi sa news, sila na ulit ni Hailey."

"Hindi! Yung sa inyo ni Chris! Wala bang pag-asa?"

"Hayup ka, Meg! Pwede bang one topic at a time lang?!"

"Okay, sorry."

Huminga ako ng malalim. "Alam mo, Meg, I like Chris... no'ng mga panahong wala si Zack, he's always there for me, pero hindi pa talaga ako ready sa ngayon. Gusto ko, 'pag pumasok ulit ako sa isang relasyon, yung sure na ako."

She heaved a sigh. "So, anong disisyon mo?"

"Kay Zack o kay Chris?"

"Hindi. Dito sa napkin, yung may wings o wala?"

Bwisit.

***

Dumalaw ako sa bahay namin after namin mag-grocery ni Meg. Masaya sina Mama't Papa na makita ako; Pati si Arjay masayang masaya rin-sa dala kong pasalubong. Lechugas na batang 'to.

Kumaen lang kami sandali at nagkwentuhan. Mga normal na ginagawa ng isang pamilya, nagkumustahan, nagtawanan, ganern---pero I never told them about Zack and Chris. I'm sure magiging katipunero na naman si Papa kapag nalaman niya. After kasi nung nangyari samin ni Zack, mas naging protective na sila sa akin. Hong gondo ko kasi in mysterious ways. Flips hair.

Habang nakaupo ako sa kwarto, naisip kong bigla si Aya. Kumusta na kaya siya? Malapit-lapit lang naman dito yung bahay nila. I'm sure matutuwa yung batang 'yon kung bibisitahin ko... Tama, kailangan kong libangin ang sarili ko.

Sumilip ako sa kuwarto nina mama't papa para sana nagpaalam, pero tulog sila. Hindi ko na sila inistorbo. Bumaba na ako ng kuwarto. Nakita ko si Arjay na tutok na tutok sa computer.

"Arjay, alis muna ako."

"Ahh, sige, Ate. Ingat sila sayo."

Mukhang busy'ng-busy siya at hindi man lang niya ako nilingon. Lumapit ako para tignan kung ano yung ginagawa niya.

Medyo nagnagdilim yung paningin ko kaya nadagukan ko sila.

"Wengya ka, Arjay!"

"Aray naman, Ate! Ba't ka ba nambabatok!?"

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon