SEASON ENDER
Sheena
It's been three days... I never heard anything from Zack since...
Bumaba kami ng van ng mga ka-team ko. Nandito kami ngayon sa Araneta. Ngayon kasi ang practice game namin with the Canadian team. Ang daming tao kahit na practice game lang ito.
Habang papasok kami sa loob ng court area, nakita ko si Hailey, na nakatayo sa gilid na hallway. Huminto ako sa paglalakad. Lumapit siya sa akin at nag-cross arm sa harap ko. Huminto ang team mates ko at tumingin sa amin, pero inilingan ko sila. "Okay lang. Mauna na kayo," sabi ko.
Naiwan kami ni Hailey na magkausap sa hallway.
"I heard from Manager Jona, tinaboy mo raw si Zack."
"I'm not good for him," sabi ko.
Natawa siya ng malakas. "You're an idiot."
Napakunot ako ng noo.
She laugh so hard at wala akong naintindihan.
Huminto siya sa pagtawa at huminga ng malalim.
"You know, Sheena, I never really wanted Zack to love me again," sabi niya in a nice tone. "As a matter of fact, wala na talaga akong nararamdaman para sa kaniya."
"H-hindi ko maintindihan, Hailey."
Nagtaas siya ng isang kilay at nag-cross arm. "I just did it because really I hated you so much."
Hindi ako nagsalita.
"You know why I hated you? Because you took volleyball away from me. So, naisip ko na if I take away Zack from you, you'll end up so miserable, the way I felt when I left volleyball."
"Hailey..."
Tumingin siya sa malayo. "After our last conversation ni Zack, I realised na it's not your fault. It's me who gave up on volleyball..."
The moment she said that, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. I felt relieved. I know we're okay.
"I feel terribly sorry for what happened to Zack sa awards night. That was really my fault. Pero huwag mong isiping nagso-sorry rin ako sa pagkakasampal ko sa 'yo," biro niya. "I don't feel sorry for that."
Ngumiti ako. "It's okay, Hailey. I forgive you."
Tch." Pabiro niyang irap. "I'll be going," sabi niya bago siya tumalikod at naglakad palayo, pero bago siya makalabas ng pinto ay humarap ulit siya sa 'kin. "I'm going to play volleyball again, next season. Let's see kung sino sa 'tin ang mas magaling na MVP," sabi niya bago ngumiti. "You know I can't accept defeat, right?"
Ngumiti lang ako. "Okay."
"And you should see Zack. He really likes you.
Hindi ako umimik.
"I heard he's leaving. You should see him while it's still not too late," sabi niya bago tuluyang naglakad palayo.
Natulala lang ako. Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko... Isinara ko ng mahigpit ang mga palad ko at pilit na sinabi sa sarili na ito ang tama.
Maybe it's for the best...
***
Bennedict Madrigal
(Lolo Ben)Bumaba ako ng kotse nang makita kong palabas na ang van ni Vivian sa gate ng mansyon niya. Tumayo ako sa harap ng driveway. Nakita kong ibinaba niya ng kaunti ang suot na shades at tumingin sa akin mula sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...