Season 2: episode 19

1.7K 54 1
                                    

Sheena

Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko habang naglalakad sa katanghalian ng siyudad. Wala akong gana habang naghahanap ng mapapasukan as part time.

Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko 'yong mga nangyari no'ng nakaraang gabi. Sino ba naman ang basta na lang makakalimot sa gano'n?

Sinabi ko na kina mama 'yong totoo---lahat ng tungkol sa mga pagkikita namin ni Zack. Naawa ako kina mama't papa, nasaktan sila dahil sa nangyari lalo na sa paglilihim ko.

Nag-ring ang phone ko. Inilabas ko 'yon mula sa loob ng shoulder bag ko.

"Hello, Meg?"

"Hoy, bruha, okay ka na ba?"

"Siyempre hindi," sabi ko. "Nasampal kaya ako."

"Sabi ko naman sa 'yo, bes, e, masasaktan ka lang sa ginagawa mo."

"Literal, Meg?"

Kainis 'to si Meg, e. Talagang nanermon pa. Mabuti na nga lang at hindi nagpasa 'yong sampal sa 'kin, ang puti ko pa naman.

Habang kausap ko si Meg, natapunan ko ng tingin si Zack. Naka-hoodie habang nakangiti at naka-cross arm habang nakasandal sa kotse niya na para bang naghihintay ro'n. Naningkit ang mga mata ko at napakagat ng labi. Ano na naman ba ang kailangan niya sa 'kin?

"Sheena? Nand'yan ka pa ba---"

Ibinaba ko ang tawag, nagdiretso ng tingin huminga ng malalim bago naglakad ng diretso. Nilagpasan ko siya.

"H-hey, Sheena!"

Hindi ko siya pinansin.

Inunahan niya ako at tumayo sa harap ko. "Uy, teka." Napanhinto ako. "I was calling you."

Tumingin lang ako sa malayo.

Iniumang niya ang mukha niya sa harap ko at ngumiti.

"Ano na naman ba?!" inis kong reaksyon.

Napakunot siya ng noo. "O? Bakit ang sungit mo bigla?"

"None of your business."

Ngumisi siya. "Meron ka siguro."

"Gago!" sabi ko bago ambang maglalakad pero mabilis na naman siyang humarang.

"Hey. Hey. Words."

"Tch. Tabi nga," iwas ko sa kaniya ulit.

"Teka lang." Harang ulit niya sa akin kaya't napahinto na naman ako. Para kaming nagpapatentero sa gitna ng mga nagdaraang tao sa bangketa. "Bakit ka ba kasi nagmamadali? Siguro may date kayo ng boyfriend mo?" he said with sarcasm.

"Oo. May date kami."

Shit naman, Zack. Just leave me alone.

Ngumiti siya. "Really? Parang totoo lang, a."

Inirapan ko lang siya.

Bigla niyang hinablot ang phone ko.

"Hey! Akina 'yan!" sabi ko.

Itinaas niya 'yon habang bina-browse ang phone book. Matangkad siya kaya hindi ko 'yon maagaw.

"Ano ba, Zack! Hindi na nakakatawa!" hampas ko ng bag sa braso niya.

Bigla niyang iniabot pabalik ang cellphone ko. Naka-display sa screen ang number ni Chris.

"Call him," sabi niya.

Napakagat lang ako ng ibabang labi at tinignan siya ng masama.

"Go. Tawagan mo na siya," hamon pa niya.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon