Sheena
Masigla akong bumangon mula sa kama at nag-inat. Huminga ako ng malalim at sandaling nilanghap ang simoy ng umaga. Pinilit kong makalimutan kahit paano si Zack. Mahirap, oo, pero dahil sa pamilya, mga kaibigan at volleyball, pinilit kong bumangon. Literally.
Tumayo ako at iniunat ang mga braso. "Haaay! Sarap ng gising ko!"
"Ano ba, She..." reklamo ni Meg na kasalukuyan pang natutulog. Tumalikod siya at nagtakip ng unan sa mukha.
Naparami yata ang inom ni Megan kagabi. Isinama ko kasi siya sa celebration ng mga team kagabi. Next month na kasi ang laban namin sa International Games. Ang saya.
Three months ago, nung mga panahong sobrang miserable pa ako dahil sa sobrang sakit ng puso ko, lagi akong walang gana sa lahat. Sabi sakin ni Meg, sinisira ko raw ang buhay ko para sa taong hindi naman ako naaalala. After that, nagising na ako---then everything change.
Tumayo ako at naghanda ng agahan. Wala akong pasok sa school ngayon pero may part time job na ako. Sa coffee shop na pagmamay ari ng pamilya ni Chris.
Hindi ko pa rin totally nakakalimutan si Zack. Hindi 'yon gano'n kadali. Nagsisimula lang naman akong malungkot kapag wala akong ginagawa, kaya naisip kong maghanap ng part time job para may makapagkakaabalahan. No'ng una, walang tumanggap sakin, dahil sa mga balita at masasamang bagay na ibinabato sa 'kin, but there was Chris. He's a goodfriend and he offered me a job sa Coffe Shop nila. Ayun.
Nakangiti kong inayos ko ang huling kutsarang ipinatong ko sa mesa bago huminga ng malalim. "Meg! Breakfast is Ready!" Dito pa rin ako nakatira kena Meg. Nasanay na ako rito. After parang bulang nawala yung issue about sa amin ni Zack few weeks ago, dumito na muna ako. Megan insisted. Nasa province kasi ang family niya ngayon.
"Wow, She! Mukhang masarap tong luto mo ah!?" Puri ni Meg, habang sinisinghot-singhot pa yung waffle na niluto ko.
"Syempre naman!. Bagong natutunan ko 'yan dun sa Coffee Shop nina Chris," sabi ko. Tinignan ako ni Megan na parang nanunukso.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.
"Tell me nga, She... how are you and Chris?"
Napangiti ako. "Wha are you saying, Meg?" I know what she's trying to imply, pero nag maang-maangan lang ako.
"You know what I'm saying, She. Hindi pa ba sa 'yo nanliligaw si Chris?"
"Meg, Chris and I where good frie---"
"Asus!" putol niya sa sinasabi ko. "You know naman na Chris likes you, di ba?"
"Meg, Chris and I were--"
"Friends. Yeah. Yeah. Nasabi mo na 'yan." She rolled her eyes. "You keep on saying that."
"Meg naman, e."
Tinusok niya ng tinidor ang waffle. "She, why don't you give your self a change to love again?"
Huminga ako ng malalim. "Meg, I don't dislike Chris, infact I liked him. Pero ewan ko ba, parang hindi pa ako handang magmahal ulit."
Nagbuntunghininga si Megan. "You're just scared," sabi niya sabay subo ng waffle sa tinidor.
Siguro nga natatakot na akong magmahal ulit... Natatakot na akong maramdaman ulit yung sakit na naranasan ko with Zack. Pero I'll be fine. Alam kong lilipas din 'to and I will love again.
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...