Season 2: episode 17

1.6K 58 2
                                    

Zack

"Lo," masaya kong bungad nang makita si Lolo Ben na nakatayo, sa entrada ng mansyon. Marahil ay hinihintay niya ang pagdating ko.

"Zackery!" nasasabik niyang sambit. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat bago ako niyakap. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. It's been years. Hindi ko na rin matandaan ang huli naming pagkikita.

Umatras si Lolo ng isang hakbang at tinapik-tapik ako sa balikat. "Look how much you've grown, Zacky boy."

Ngumiti lang ako. "Kumusta na ang pakiramdam n'yo, Lo?"

"O, I'm fine. I'll live a hundred years," biro niya. "I'm glad to see you, Zacky."

Sumimangot ako. "Lo, Zack na lang, ang laki ko na, o?"

Natawa siya nang malakas. "But you're still my little Zacky."

Lumabas si Mama ng entrada at nag-cross arm. "Sa'n ka ba nanggaling? Nagsusumbong si Hailey, hindi ka raw nagpaparamdam maghapon."

"O, Vivian, stop it. Kakarating lang ng apo ko," dipensa ni Lolo Ben.

Nagbuntunghininga si Mama.

Napapaling si Mama ng tingin sa kotse ko at napakunot ng noo. "O, my God? What happened to your car?"

"Long story, Ma."

"Are you hurt?"

"No, Ma, I'm fine."

"The car can be fixed and the boy says he's fine. Let's go inside," ngisi ni Lolo.

Umirap si Mama at nauna nang naglakad papasok sa loob.

***

Habang paakyat kami ni Lolo sa grand staircase, hindi na niya maiwasang magtanong.

"How's your girlfriend, Zack?"

"Lo?"

"I overheard Vivian talking on the phone kanina, may girlfriend ka na raw? Artista?"

"Actually, Lo. Hailey and I are just---"

"Sorry, Zacky, I don't watch TV much because the media is full of crap."

"Lo..." usal ko sabay kamot ng ulo.

"Sayang, may ipakikilala pa naman sana ako sa 'yong dalaga," Lolo said.

"Dalaga?"

"Yes. Siya 'yong nagligtas at nagdala sa akin sa ospital... She's very nice and pretty. Her name is Sheena."

Napangiti ako nang marinig ko ang pangalan ni Sheena.

"Sayang nga lang at hindi na kami nagkita ulit dahil nagmamadali ang mama mo na umuwi."

"Ang totoo niyan, Lo, kasama ko si Sheena maghapon. She's the one who told me na nasa ospital kayo."

Napahinto siya sa paglalakad. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mga mata niya. "R-really?"

"Yes, Lo. Kaya lang few things went crazy kaya na-late na kami ng dating. Hindi na namin kayo naabutan sa ospital."

"Talaga?"

"Yes, Lo. Long story..."

***

Bennedict Madrigal

I'm really glad to see Zack again. Habang nakahiga sa kama. Hindi ko maiwasang balikan ang mga nakaraan noong bata pa siya. Ang bilis talaga ng panahon.

My daughter, Vivian sent me to the institude for the seniors. Well, It was half my choice.

Pinagsisisihan ko ang madalas kong paglayo noon sa asawa ko at sa anak kong si Vivian. I worked for the army for thirty five years at madalas akong nasa iba't ibang lugar, dahilan para mapalayo ang loob niya sa akin.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon