Season 2: episode 14

1.6K 55 15
                                    

Sheena

Nakaupo kami ni Zack sa ilalim ng isang puno sa tapat ng towing station. Kinuha ng isang lasing na matandang lalaki ang wallet niya at pinukpok siya ng baston sa mukha. Nagkasugat siya sa ibabang labi kaya dinidiinan ko 'yon ng panyo.

"Ouch," pikit niya ng isang mata.

"Zack, stop moving!"

"Ang bigat ng kamay mo, e!"

I smirked.

Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Teka. Gumaganti ka ba?"

"Hindi, a."

"'Yong matandang 'yon! Kapag nakita ko talaga siya!"

"Zack, stop moving sabi, ano ba?"

"A-a-aray!"

Napahawak siya sa kamay ko.

***

Zack

Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nakahawak sa kamay niyang may hawak ng panyo. Natulala na lang ako nang magbalik ang isang alaala.

"Araayy! Sinasadya mo eh!"

"Aba, kasalanan mo yan! Ang warf reak mo kasi!"

Napahawak ako bigla sa kamay niya. "Ouch, dahan-dahan naman," sabi ko.

Sandaling nagtama ang mga mata namin.

Tuluyan na akong natulala.

This is bullshit.

Ano ba 'tong mga alaalang 'to?

***

Sheena

"Ano'ng problema, Zack?"

"I remembered... This has happened before," sabi niya.

"Ha?"

"Nangyari na 'to."

Tumahik na lang ako.

Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Same scenario. I hurt my lips. Ginagamot ako, you know?"

"H-hindi ako 'yon, Zack. I'm sorry."

Tinignan niya ako ng seryoso. "I never said it was you."

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya bago ako tumayo.

Tumayo rin siya. "Sino ka bang talaga, Sheena?"

"Zack, please," sabi ko sabay talikod.

"Answer me."

"I'm just a nobody, Zack."

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kaniya. "Tell me!"

Kumawala ako mula sa pagkakahawak niya. "Wala nga, Zack! Ano ba! We just had a contract, okay? Kontrata lang!"

"O, yeah? Everybody's saying that. I'm tired of that bullshit! Tell me something I don't know."

"Wala akong sasabihin, Zack, dahil wala akong alam."

Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Liar..."

"I-I'm n-not lying."

"I know you're lying. Alam ko dahil nakita ko sa mga mata mo 'yong sincerity no'ng kinausap mo ako sa resto, no'ng tinulungan mo si Aya, no'ng pumunta ka para sabihin 'yong about kay Lolo Ben! Hindi ko nakikita 'yong sincerity na 'yon ngayon."

"You don't know me, Zack."

"Really? I don't know you? Okay. Sino ba ang niloloko natin dito? Ako na hindi makaalala? O ang sarili mo na nagkukunyaring walang maalala?"

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon