Sheena
Magkakaharap kaming tatlo nina Meg at Zack sa table habang kumakain ng dinner. Halos marinig na namin ang bulungan ng mga langgam sa sobrang tahimik.
Kumaway-kaway si Meg sa harap ko. "Hey, Sheena Marie. Bakit ang tahimik n'yo?"
Zack looks really hungry. Halata sa mga subo niya sa hotdog. Kawawa naman... 'yong hotdog.
Sana hindi niya na maalala 'yong tungkol sa hotdog stand sa airport. It's not that I don't want him to get his memory back. Ayoko lang na mahirapan siya sa mga dating alaala namin... tama na sigurong ako na lang.
***
Zack
Naaalala ko ulit 'yong tungkol sa babae sa hotdog stand sa airport habang kumakain kami, pero hindi ko na lang pinahalata sa kanila. I remember first recalling this memory no'ng una kong makita si Sheena at sundan siya sa tulay, the night na makuha ko 'yong bracelet niya. It was a blury memory before and I wasn't really sure who that girl was, pero ngayon, sigurado na ako... si Sheena 'yon... I'm sure, siya 'yong babae sa airport sa memory ko.
Kumaway-kaway si Megan sa harap ko. "Hello! Ang tahimik n'yo."
***
Megan
Leche 'tong dalawang 'to. Sobrang tahimik. Hindi ako pinapansin. Pft. Alam kong naiilang sila sa isa't isa. Normal lang 'yon. Maganda kasi ako.
Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso mula sa pitchel, natapunan ko ng tingin ang kaliwang braso ni Sheena.
"Bes," sitsit ko sa kaniya.
Hindi siya kumibo.
I snap my finger in front of her. "Huy!"
Napatingin siya sa akin. "M-Meg?"
"Hay, nako. Para akong walang kausap dito," sabi ko. "Teka. Nasaan 'yong bracelet mo?"
"H-ha?" Parang naipit ang paglunok niya bago napatingin kay Zack.
Napatingin din si Zack ng tingin sa kaliwang braso niya.
Hinawakn ni Sheena ang kaliwang braso niya na para bang tinatakpan 'yon. "N-nasa kuwarto. Iniwan ko," sagot niya.
"Okay." Nagkibit-balikat ako. "Ngayon ko lang nakitang hindi mo suot 'yon," sabi ko.
Hindi siya kumibo at nagkagat lang ng ibabang labi.
"Hindi niya inaalis?" biglang tanong ni Zack.
Tumango ako. "Yeah. Mahalaga sa kaniya 'yon, e."
Biglang tumayo si Sheena na para bang lalong nailang. "T-tapos na ako kumain."
Tumalikod siya at ambang maglalakad palayo ng mesa nang hablutin ni Zack ang kaliwang kamay niya.
Natulala si Sheena. Nagkatinginan silang dalawa.
Ihh!
Grabe kinikilig na naman ako sa kanila! Naihi na naman yata ako sa shorts. Ene be! Makapagpalit nga ulit ng shorts! Weeeee!
***
Sheena
"Why'd you do that?" tanong sa akin ni Zack pagkaalis ni Megan.
"Do what?"
"'Yong bracelet mo?"
"Zack..."
Sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan namin.
"I'm gonna get it back," sabi niya.
"Ha?"
"Saan mo dinala?"
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...