SEASON 2: episode 7

5.4K 141 26
                                    

Zack

It's been years since I last saw that guy... I can even barely remember his face...

Laging pinanghihimasukan ni Papa ang buhay ko. Bata pa lang ako, siya na lagi ang nasusunod. Siya na lagi ang tama. Wala na akong sariling disisyon, dahil siya na ang gumagawa no'n para sa 'kin.

Bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang pagkant, pero ayaw ni Papa. Si Mama lang talaga ang nagpu-push na ituloy ko; Kaya nang naghiwalay sina Mama at Papa, kay Mama ako sumama at dito na nagsimula ang singing career ko.

After dad left us, nag-iba na rin ang ugali ni Mama. Wala na siyang bukambibig kun'di ang career ko. Naging mas estrikta na rin siya sa mga bagay na nakapaligid sa 'kin. I don't know, maybe she wants to prove something to dad. Sabi kasi ni Mama, iniwan daw kami ni Dad dahil sa ibang babae. It sucks, right?

"Nandito na po tayo, Sir," sabi ng taxi driver na nagpabalik sa diwa ko. Nakahinto na pala ang taxi sa harap ng bahay ni Manager Jona sa isang sikat na subdivission. Lumapit si Manager Jona sa driver side bago binayaran ang fare.

Bumaba ako.

Napangisi si Manager ng makita ako. "Ay, bongga the shades, Zack! Pareho talaga tayo ng taste!"

Bwiset. Suot ko pa pala ito. Hinubad ko agad yung shades.

"Hindi 'to sakin."

"Aysus, nahiya pa ito. Halika sa sa loob, ipapakita ko sayo 'yong collection ko ng Lingirie at t-back."

Shit. Please, huwag.

***

Dumiretso ako sa sala, kasunod ni Manager Jona. Huminga ako ng malalim bago ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa.

"Kailan pa dumating si Papa?"

"Kagabi lang daw, pero walang nakakaalam, until kanina."

Actually, hindi ako bothered sa pagdating niya. I don't care much about that guy. Mas bothered ako sa sinabi ni Manager kanina sa akin sa phone.

"Is it true? Nag-usap sina Mama at Papa?"

"Yes Zack, your Mum and Dad talked, tungkol sa 'yo."

"Alam mo ba kung anong pinag-usapan nila?"

Nagkibit-bikat siya. "Nope. Sareeh."

Ang lalaking 'yon, ano kayang kailangan niya sa 'kin at talagang umuwi pa siya ng Pinas, para lang kausapin si Mama.

"Zack."

"Yep?"

"Naakita mo na ba ung mga hello kitty bra ko?"

"URRGH!! I DON'T CARE!!" padabog ko siyang nilayasan.

Nag-cross arm siya at nagtaas ng isang kilay. "Aaay! Uma-attitude???"

***

Sheena

Sabi niya, tatawagan lang daw niya si Mr. Jona, pero hindi na siya bumalik. Bumaba ako ng lobby para hanapin siya.

Nakita ko ang isang telepono sa may desk sa may lobby, naisip kong dito siya tumawag. Nilapitan ko ang babaeng abala sa pagpe-facebook sa tabi ng telepono.

"Miss, excuse me, may nakigamit ba ng telepono rito, lalaki, matangkad, nakapambahay at-"

"Nakasuot ng malaking shades na hugis puso?" masungit niyang putol sa pagsasalita ko.

"O-oo. S-siya nga. Dumaan ba siya rito?"

"'Di ko napansin, tseh."

"Aba't-!"

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon