Season 2: episode 13

1.5K 50 2
                                    

Sheena

"No!" padyak ko ng isang paa bago nagpamewang.

"Basta ipatong mo ang paa mo sa balikat ko at itutulak kita pataas," sabi niya habang nakayuko sa harap ng fence.

"Ayoko!"

This idiot wants me to go over the fence, break into his car and get his wallet. Nababaliw na talaga siya!

"Sheena, we're not arguing right now! Bilisan mo na!"

Pinuno ko ng hangin ang bibig ko bago nag-cross arm.

"Ano ba? Nangangawit na ako!"

Nakakainis talaga ang Zack na 'to...

"Sheena!"

"Oo na!"

Oh my God. I can't believe I'm doing this.

"Ano na lang ang sasabihin nila mama't papa kapag nalaman nilang umaakyat ako ng bakod para magnakaw?"

"Hindi ka magnanakaw! Technically, It's my damn car. Kukunin mo lang 'yong wallet ko then lalabas ka na."

"E, bakit hindi ikaw ang pumasok sa loob!" irita kong sabi habang ipinapatong ang mga paa ko sa balikat niya.

"Obviously, hindi mo ako kayang buhatin."

Dahan-dahan niya akong iniangat. "Holy shit! Kahit ang liit mo, ang bigat mo!"

"Shut up!" irap ko sa kaniya.

Kinakabahan talaga ako.

O, my God. Ano ba 'tong ginagawa ko?

Tumingala siya. "O, kunin mo itong payong para may pamalo ka just inca---"

Natulala siya nang mapatingin sa ilalim ng skirt ko.

"Hoy!" hablot ko sa payong.

Nagpaling siya ng tingin sa malayo at napalunok. "Wh-what??"

"Sinisilipan mo ba ako?!"

"H-hindi, 'no!"

"Bastos!"

"Shh! Huwag ka ngang maingay! Hindi ako interesado sa kulay pink mong panti, okay!"

"Gago ka, Zack!" napapikit ako sa hiya. "Nakita mo, 'no?!"

Namula ang mukha niya. "W-wala nga akong nakita."

"E, ba't namumula 'yang mukha mo!"

Tumingala ulit siya. "Wala nga sabi akong nak---"

"Argh! Huwag kang tumingin!!" hampas ko ng payong sa ulo niya.

"A-aray! A-ano ba! Stop!"

Gumewang-gewang kami.

"Ang bastos mo!"

"Aray! Ano ba!"

Nawalan siya ng balanse at natumba kami pareho sa bangketa. Napapatong ako sa kaniya. Natanggal ang shades na suot niya bago dahan-dahang naglapit ang mga mukha namin.

Zack...

Biglang tumigil ang galaw ng paligid nang biglang magdikit ang mga labi namin...

Tulala lang kami pareho habang magkatama ang mga tingin namin sa isa't isa.

O, my God. Anu bang 'tong nangyayari. Shit. Shit. Shit.

Napahinto at nakasimangot na tumingin sa amin ang isang matabang pusa.

Nagkatitigan kaming tatlo ng pusa.

S-shemay. Kumusta naman, 'di ba?

Mabilis kong inihiwalay ang labi ko sa labi niya. Dali-dali akong tumayo bago naiilang na napaayos ng sarili. Tumayo rin siya bago nagpamulsa at tumingin sa malayo.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon