Zack
Habang kausap ko si Mama, biglang tumunog ang doorbell. Dinampot ko agad ang pitsel ng tubig sa table bago naglakad papunta sa pinto. Tinungga ko 'yong pitsel sabay bukas ng pinto.
Nagulat ako nang bumungad sa pinto si Sheena.
"Zack!"
Sa gukat ko, naibuga ko sa mukha sa mukha niya 'yong tubig.
"S-Sheena!?"
Napapahid siya ng mukha. "Salamat sa pagbuga ng tubig sa mukha ko, a. Sana nag-offer ka na rin ng sabon nang tuluyan na akong naghilamos."
What is she doing here?! B-baka makita siya ni Mama.
"So-sorry, nagulat lang ako—teka, anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang lumilingon-lingon sa loob ng unit ko---baka lumabas si Mama.
"Zack, may sasabihin ako sayo. Importante."
"Sasabihi---?"
Sasagot sana ako nang biglang sumigaw si Mama. "Zack, anak, sino yan?"
"Nako! Si Mama!" pagkataranta ko. "M-magtago ka! Dali!"
Napanganga siya. "What?"
"Magtago ka!"
"Okay ka lang? S-sa'n naman ako magtatago rito?"
"Zack, sino ba 'yang kausap mo?"
Nako. Ayan na si Mama.
Natapunan ko ng tingin ang malaking trash bin sa harap ng unit ko na naiwan yata ng Janitor. Dali-dali kong itinulak si Sheena sa loob noon.
"Aray ko, Zack! Walanghiya ka! 'Yong strap ng bra ko!"
"Shh! Wag kang maingay!" sabi ko sabay diin ng ulo niya sa loob at sarado ng takip.
Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Mama. "Zack, sinong kausap mo?"
Mabilis kong ikinalang ang siko ko sa basurahan na at nagpa-inosente. "A, wala, Ma. May kinausap lang na kakilala. Pero umalis na," kako.
Biglang kumalabog ang trash bin mula sa loob kaya't napatingin si Mama doon.
Napakunot si Mama ng noo. "Bakit gumagalaw 'yan?!"
"Ah? Ito? Ah---eh---" Nako, lagot.
"Meow! Meow!" biglang tunog na likha ni Sheena mula sa loob ng basurahan.
Napangiwi si Mama. "Pusa ba yan, Zack?"
"Ah eh—siguro, Ma. Meow raw, e."
Inikutan ni Mama ang basurahan bago nagtaas ng isang kilay. "Sigurado ka bang pusa yan, Zack?"
"Meow! Meow—pusa ako, meow! Promise. Meow!"
Napakunot ng noo ni Mama.
Shit. Fuck. Shit. Fuck. Fuck. Shit.
Hinawakan ko ang handle ng trash bin at mabilis na hinila palayo. "Ma, I'll be back. Itatapon ko muna 'tong pusa sa labas!"
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...