Sheena
Bigla na lang akong pinasan ni Zack na parang sako ng bigas at sapilitang binitbit palabas ng Coffee Shop.
Nakatingin sa amin lahat ng tao sa kalsada habang bitbit niya ako sa balikat niya.
"Ano ba, Zack!? Ibaba mo ako! ump! ump!" patuloy ko pang hampas sa likuran niya pero hindi niya ako pinapansin.
Sa inis ko, kinagat ko siya.
Good news! Nabitawan nya ako.
Bad news, nahulog ako---una mukha.
"Nakakainis ka!!" sigaw ko habang nakasalampak sa kalsada. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.
Napaiyak ako habang nakahawak sa mukha ko. Napahagulgol ako na parang batang paslit. Halatang nailang siya.
Lumuhod sya sa harap ko. "Ayan kasi."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"Wag kana umiyak... Sorry na..." lambing niya.
Sa inis ko, pinaghahampas ko siya sa ulo. Pinagtinginan lalo kami ng mga taong dumaraan.
"Aray! Aray!" salag niya.
"Galit ako sayo!" Humagulgol ako lalo ng malakas na parang bata.
"Haay. Wag ka na umiyak," alo niya.
"Nakakainis ka kasi!!"
"Sorry na. Tahan na. Patingin nga. Masakit pa ba?"
Hinampas ko siya sa dibdib. "Alam mo, hindi naman ako umiiyak dahil masakit yung mukha ko, e! Umiiyak ako dahil masakit yung puso ko!"
***
Zack
Nandito kami ngayon ni Sheena sa loob ng isang resto, magkaharap kaming nakaupo sa isang maliit na mesa, sa tabi ng glass window. Kanina pa siyang nakasimangot habang nakatingin sa labas. Hindi nya ako pinapansin.
I don't know what to say to her. I just wanted to give her bracelet back... I don't even know why I took her in the first place... Maybe I'm curious...
Lumapit sa amin ang isang Waiter at tumayo sa harap ng table.
"Sir ano pong order nyo?" tanong niya habang hawak ang isang maliit na notebook at ballpen.
Dinampot ko iyong menu sa harapan ko at tinignan sandali.
"Bigyan mo ako ng isang soda," sabi ko.
"Okay, Sir." Tumingin siya kay Sheena. "Kayo po, Ma'am?"
Hindi umimik si Sheena, kaya ako na lang ang nagsalita.
"Bigyan mo na lang din siya ng soda," sabi ko.
"Ayoko," she protested. "May beer ba kayo rito?"
Nagkatinginan na lang kami ng Waiter.
***
Emily
Habang nagpupunas ako ng mesa, nakatanggap ako ng text galing kay Sheena. Mag-uusap lang daw sila sandali ni Zack Ross. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpunta si Zack Ross dito sa Store.
Inihito ko ang pagpupunas at namilipiit sa kilig. "Hays, grabe talaga. Binuhat niya pa si Sheena," bulong ko sa sarili. "Ako kaya? Kelan kaya ako nubuhatin ni Sir Chris?? Yiiihh---!"
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...