Sheena
Na-tow 'yong kotse ni Zack kanina. Super malas talaga.
We need to get Zack's car first bago kami pumunta ng ospital. Nando'n kasi 'yong mga gamit at phone namin. Sabi ng ilang napagtanungan namin, kailangan naming makasakay ng jeep papunta sa bayan dahil nando'n 'yong towing service.
Kanina pa kami naglalakad sa gilid ng highway. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Walang mga sasakyang dumaraan o mga bahay sa paligid.
Tinapunan ko siya ng tingin. Kanina pa siya hindi nagsasalita.
"Are you mad?" tanong ko.
"I'm not mad. I'm hungry," masungit niyang sabi.
"Huwag kang mag-alala, may makikita rin tayong pay phone," sabi ko.
Parang nagpigil siya ng inis. "Sinabi mo na 'yan kanina, ten minutes ago."
Hindi na ako magsalita pa.
"Kung hindi ka sana lumabas ng kotse, hindi sana 'yon mato-tow..." usal niya.
Napakunot ako ng noo. "What? Ikaw nga 'yong biglang huminto do'n sa no parking zone, e."
Huminto siya sa paglalakad. "So, kasalanan ko pa?"
Huminto rin ako at humarap sa kaniya. "I'm not saying na kasalanan mo, okay?"
Nagbuntunghininga siya at nagpamewang. Medyo mahangin kaya hinawi niya ang mahaba niyang buhok.
"We need to get to the hospital," sabi niya.
"I'm sorry, Zack. Alam ko gusto mo nang makita ang Lolo mo."
Nagpaling siya ng tingin sa malayo. "It's not your fault..."
***
Naglakad pa kami ng mga 20 minutes hanggang sa makakita kami ng maliit na tindahan sa tabi ng daan. We asked for help pero wala raw dumaraan na sasakyan sa lugar na 'yon sabi no'ng matandang nagtitinda. Medyo nasa liblib na lugar na rin kami kaya mukhang walang nakakikilala kay Zack.
Naglakad pa kami ng ilan pang kilometers.
Medo masakit na 'yong paa ko at grumpy na rin 'tong lalaking 'to.
"Fuck!" sipa niya sa maliit na bato sa semento.
Sumimangot ako. "Zack, relax ka lang, okay?"
"How can I relax! I'm hungry! Naiwan ko pa 'yong wallet ko sa kotse!" irita niyang sabi.
Inabot ko 'yong shades sa kaniya. "Oh, suutin mo para lumamig 'yang ulo mo."
Tinabig niya 'yon at nahulog sa daan. "Baliw ka ba? Pagkain ang kailangan ko hindi shades!"
Hindi na lang ako nagsalita at nagpigil ng inis. Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago dinampot ang shades.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mamatahan ko sa 'di kalayuan ang isang magfi-fishball.
"Tignan mo, Zack!" turo ko.
"What?"
"Tara!" Hinila ko siya sa braso.
"T-t-t-teka, hey!"
Nilapitan namin ang magpi-fishball.
"Kuya, puwedeng bumili?" sabi ko.
Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Malamang, nagtitinda ako, e."
Natawa si Zack.
Pilosopo si Manong. Kainis.
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...