Sheena
Isiniksik ko ang sarili ko sa gitna ng mga nagkukumpulang tao bago nagmamadaling sumingit sa harap ng mahabang pila. Tumayo ako sa harap ng harang na lubid bago atat na kumaway-kaway sa harap ng isang security personel. "Sir!" sigaw ko pero hindi niya ako narinig dahil sa sobrang dami ng nagsisigawang tao.
Kinalabit ako ng isang galit na lalaki na nasingitan ko sa pila. "Hoy, bro, pumila ka!" himutok niya.
Humarap ako sa kaniya at nagkunot ng noo. "Babae ako!" Inis kong sabi. Kasalanan ni Megan kung bakit umiksi ng ganito ang buhok ko. Kamukha ko tuloy si Nobita.
Lumapit sa akin ang isang security personel at tumayo sa harap ko. "Mis, pumila ka ng maayos," halos pasigaw na niyang sabi dahil sa ingay ng paligid.
Nagpaling ako sa kaniya ng tingin. "N-no," iling ko. "Ang totoo niyan may Special Pass ako, naiwan ko lang sa pagmamadali kaya pinakuha ko lang sa kasama ko," sabi ko sabay ngisi.
"Nako," pilantik pa ng dila niya "Lumang istilo na 'yan."
Magpapaliwanag pa sana ako nang marinig ko mula sa loob ng colliseum ang mas lalo pang lumakas na mga hiyawan at dagundong. Shemay! Magsisimula na ang concert ng Xenon!
"Papasukin n'yo ako!" Lumundag ako at halos mapakandong na sa security personel.
"Mis, ano ba! Tumigil ka!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at hinila palayo sa pila.
"T-Teka! Papasukin n'yo ako! Girlfriend ako ni Zack! Zaaack!"
Dumating si Megan at napakunot ng noo habang hawak ang dalawang supot ng sopas. "Grabe, kanina pa ako nabibingi sa ingay," aniya. Napahinto siya sa paglalakad at napalingon-lingon sa paligid. "O, nasaan na si Sheena?" Pagtataka niya, kasabay ng dumaaran na security personel sa kaniyang likuran, habang bitbit ako sa balikat nito.
"Meg? Meg!" Tawag ko sa kaniya. Halos di niya ako marinig dahil sa ingay. "Megan! Dito!"
Napatingin siya sa akin at napangiwi. "Oh, She? Bakit d'yan ka nakatambay sa balikat ng guard? Shoulder bag lang ang peg tonight?"
"Meg, nagsisimula na yung concert! Nasaan na yung Special Pass? Dali!"
"Special Pass?"
"Oo, 'di ba nga, sabi ko balikan mo sa bahay? Nasa'n na?"
Natulala siya sandali at napaisip ng malalim. "Special Pass ba sinabi mo? Kala ko gusto mo ng sopas?"
Wow. Dito na ako tuluyang nagwala.
***
««¤°" My MVP Girl "°¤»»
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...