Zack
Bumaba kami ni Sheena sa isang intersection. Isang block pa from here ang towing station pero kailangan na naming bumaba dahil hindi na dadaan do'n ang jeep. Well. That's how life goes, anyway.
We are walking on the streetside.
Habang naglalakad, biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Agad kaming napasilong sa harap ng isang bookstore.
"Great," I said, sarcastically.
Inilabas ko ang susi ng kotse mula sa bulsa ko at tinignan. "I can't belive this is happening to me," iling ko.
I looked at her. Hindi niya ako tinitignan. Tahimik lang siya simula pa kanina no'ng iniupo ko siya sa lap ko.
"Hey. Bakit ang tahimik mo na naman?"
"Ha?"
"Sabi ko, bakit ang tahimik mo?"
"Wala naman kasi akong sasabihin," sagot niya.
Huminga ako ng malalim.
Habang nakatayo kami, isang matandang babaeng pasakay ng bus ang hinintuan ng dalawang lalaking nakasakay sa motor. Hinablot bigla ng lalaking angkas ang bag ng matanda bago nakipaghilaan.
"Zack! Zack!" biglang hila ni Sheena sa manggas ko. Sa lakas ng pagkakahila niya ay napunit ang damit ko at lumabas ang balikat ko. "Zack!"
"W-what??" pagkabigla ko.
"Tignan mo! Kailangan ni Lola ng tulong!"
"A-a-anong gagawin ko?" I'm confused as hell.
Binitiwan niya bigla ang manggas ko at tumakbo palapit sa matanda bago sinigawan ang mga holdaper. "Hoy! Tumigil kayo!"
Lalo akong nakito. What the fuck is she doing!? Nababaliw na ba siya? Sinundan ko siya agad at hinila ang isa niyang braso. "Hey! What are you doi---!"
Bigla niyang hinablot ang susi ng kotse mula sa kamay ko at ibinato sa mga holdaper. "Bitiwan n'yo si Lola!"
Lumipad ang susi ko at pumasok sa bintana ng umaandar na bus. Napanganga ako.
Nagtinginan ang mga tao sa lakas ng boses ni Sheena. Nataranta ang dalawang holdaper at agad na binitiwan ang bag ng matandang babae bago umalis.
***
Sheena
Pinasalamatan kami ni Lola sa pagtulong namin ni Zack sa kaniya. Bahagya kaming nabasa sa ulan pero ibinigay ni Lola ang two-folds na payong niya sa amin. Isn't that great? Kaya lang medyo mainit na naman 'yong ulo ni Zack dahil naiwala ko 'yong susi ng kotse niya. Pero, mas masama 'yong loob niya kasi nawasak ko 'yong manggas ng damit niya.
Medyo basa na ang mga damit namin. Suot pa niya 'yong pink-heart shades ko habang nakalabas ang isa niyang balikat. Pinagtitinginan pa kami ng mga kasalubong habang pinapayungan ko ang mga sarili namin. Ang bilis niyang maglakad, nahihirapan akong magpayong. Tapos ang tangkad pa niya.
"Uhm, Zack---"
"Ayokong marinig ang sasabihin mo," masungit niyang putol sa pagsasalita ko.
"Z-Zack, bagalan lang natin 'yong paglalakad."
Hindi niya ako pinansin.
Sa pagmamadali ko, natalisod ako sa nakausling bato sa ginagawang sidewalk. Nasubsob ako sa simento. Napapikit na lang ako sa sakit at napahawak sa nagalusan kong tuhod.
Napahinto siya sa paglalakad. Nilapitan ako at lumuhod sa harap ko. "Tsk. Ano na naman ba 'yang ginagawa mo?" mababakas ang pagkainis sa boses niya.
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...