SEASON 2: episode 4

5.7K 129 12
                                    

My MVP Girl
Halloween Special (part 1)
_____

Zack

Tulala ako habang magkadikit ang mga labi namin ni Sheena.

Hawak ko ang magkabilang balikat niya habang patuloy ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Hindi ko alam, pero parang pamilyar ang mga labing ito.

        "Manong, bakit mo kinakaen ang labi nya?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa tabi ko.

        "Holy shi—!"

Bigla akong napatayo.

Nang tignan ko, isang batang babae ang nakatayo sa tabi ko, hawak ang isang lumang manika. Napakunot na lang ang noo ko. Medyo nainis ako dahil ginulat niya ako---lalong-lalo na dahil tinawag niya akong Manong.

        "Hey," sabi ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin at walang imik.

Napalingon ako sa kaliwa't kanan. Dis-oras na ng gabi tapos wala pa siyang kasama; this concerns me.

        "Oi, bata, sinong kasama mo?"

        "Si Ella," sagot niya. Nabawasan ang pag-aalala ko ng marinig kong may kasama siya.

        "Nasan yung Ella?"

        "Ito---" Biglang angat nya sa hawak nyang manika. Syempre, nabwisit ako. Niloloko yata ako ng batang ito ah.

        "Wala ka bang kasamang matanda?"

        "Meron," ngisi niya.

        "Nasan?"

        Tinuro niya ako. "Ikaw!"

Aba't #%@& ?!

Huminga ako ng malalim at nagpigil ng inis. Ito ang isang dahilan kaya ayoko ng mga bata. Jeez.

"Galit ka ba, manong?" tanong niya.

        "Hindi ako manong," kako. "Nasa twenty's palang ako."

        "Pero, mas matanda ka sakin."

        "Whatever."

        "Manong, Girlfriend mo ba sya?" Turo niya kay Sheena na kasalukuyang tulog at nakasandal sa bakal na railing.

        "Hindi ko siya girlfriend," sagot ko.

        "Asawa mo?"

        "Lalong hindi! Hindi ko siya kaano-ano."

Nag-cross arm ang batang babae at nagtaas ng kilay. "E, bakit mo sya hinahalikan?"

        "What!? hindi ko sya hina—! Tsk!" Huminga muna ako at kumalma.

Bakit ko ba kailangang magpaliwanag sa batang ito?

Naglakad ang bata at tumayo sa harap ni Sheena.

        "Ang cute niyang matulog, nakanganga—Picturan mo kaya syia?"

Natigilan ako nang biglang may mga imaheng pumasok sa alaala ko.

Nagpapahinga ako sa loob ng eroplano nang biglang napasandal sa akin ang isang babae—si Sheena. Natawa ako dahil nakanganga syang matulog, kaya kinuhaan ko sya ng picture.

Hindi ko alam kung totoo ang mga imaheng ito o panaginip lang.

Memorya ko ba ang mga iyon?

        "Manong! " gising ng bata sa diwa ko.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon