Season 2: episode 18

1.6K 53 2
                                    

Sheena

Tinignan ko si Zack habang sabay kaming naglalakad. Hindi ko na napigilang magtanong.

"Pa'no n'yo ako nahanap?"

"Madali lang naman mahanap ang pangalan at school mo sa internet," sagot niya.

"A... sabagay."

Sinasabayan ko si Zack na maglakad pabalik ng kotse niya. Nado'n na si Lolo Ben at naghihintay. Sandali lang din sila sa school kasi may pupuntahan pa raw sila.

"I can't find your facebook," muli niyang usap sa 'kin.

"Wala na akong facebook. Dini-activate ko na dati," sabi ko.

"Bakit?"

Dahil sa mga bashers na nagsasabi na mukha akong pera. Duh.

"Wala lang. Magulo kasi," sabi ko.

"Magulo? Sino naman ang nanggugulo sa 'yo?"

Mga fan n'yo mg Hailey mo. Tse.

"Wala. Naguguluhan lang ako sa social media," sabi ko.

"Okay."

Sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan namin.

Huminga siya ng malalim. "Kumusta na nga pala kayo ng boyfriend mo?"

Wala akong boyfriend. Shonga.

"A, okay lang," ngisi ko. Sandali kaming natahimik.

Nagbaba ako ng tingin habang naglalakad. Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago ako muling nagsalita. "Zack, huwag ka nang makipagkita sa 'kin."

"Why?" bakas ang pagtataka sa mgamata niya.

"Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba?"

"'Yong kay mama?"

"Oo. 'Yun. Basta."

"'Yon ba talaga ang gusto mo?"

"Oo," sabi ko.

"Liar," ngisi niya.

Inirapan ko siya. "Ayan ka na naman, e."

"Sumama ka muna sa bahay. Ihahatid ko si Lolo."

Ano ba 'yan. Kakasabi ko lang na huwag makipagkita, e. Kulit.

"I can't Zack. May practice pa ako tska kailangan ko pa maghanap ng bagong trabaho. Basta mag-promise ka na hindi ka na makikipagkita sa 'kin."

Ngumiti siya. "Ayoko."

Ani ba 'tong lalaking 'to?

Huminto na kami sa harap ng kotse niya. "Sige na. Ingat kayo."

Inilahad ni Zack ang kamay niya para makipagkamay. Tinignan ko lang siya.

"Zack?"

"I'll see you," sabi niya.

"Tsk!"

Hinampas ko lang ang kamay niya. Ngumiti siya bago pumasok ng kotse. Kumaway si Lolo Ben mula sa loob. Kinawayan ko rin siya.

Sinundan ko lang ng tingin ang kotse ni Zack habang papalayo ng school.

***

Jonathan Sikat

"Manager... si Sheena po ito. I have an important message for Zack. Please call back---"

It was Sheena's voice mail. Ngayon ko lang narinig ito dahil sa dami ng mga bagay na kailangan kong ayusin. Endorsements ni Zack, movie nila ni Hailey, magazines. Hay, maloloka na ako.

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon