Sheena
Maggagabi na nang dumating kami ng ospital pero wala na ro'n si Lolo Ben. May dumating daw na babae tapos sinundo siya.
Palabas na kami ni Zack ng ospital. Kanina ko pa gustong i-text si Meg, pero empty na ang phone ko sa bag, hindi ko ko kasi na-charge kagabi. Yay. Ang saya.
Naglalakad na kami ni Zack pabalik ng kotse. Nakapamulsa siya at diretso lang ang tingin nang mag-ring ang phone niya. Kinuka niya 'yon sa kaliwang bulsa ng pantalon niya at sinagot.
"Hello... Ma? Yes... Nand'yan si Lolo sa bahay?"
Mukhang nakauwi na si Lolo Ben.
Naglalakad lang ako sa tabi niya habang nasa likod ang mga kamay. Hindi ko mapigilang hindi marinig ang usapan nila.
"Okay, Ma, I'm comming. Yes. Mga two to three hours. No. I'm fine. Yes. I said I'm fine. Okay, okay. Bye."
He ended the call at ibinalik sa kaliwang bulsa niya ang phone.
"Nakauwi na si Lolo Ben?" tanong ko.
"Yep."
Naglakad kami palapit sa kotse niya. Hinubad niya ang suot niyang shades bago binuksan ang pinto ng driver's seat. Huminto ako sa paglalakad.
"Zack, uuwi na ako."
"Hindi ka na ba sasama? I'm going to see Lolo Ben."
"I can't..."
"Si Mama ba?"
Nagbaba ako ng tingin. "Uhm..."
"Inaway ka ba ni Mama?"
Umiling ako. "No. Hindi 'yon gano'n. I'm just tired. May pasok ako bukas sa school and---"
"Okay. Get in. Ihahatid na kita."
"N-nako. Huwag na, Zack. Puntahan mo na si Lolo Ben. Nami-miss ka na no'n."
"Uuwi na rin naman ako after. Get in."
"Zack..."
Pumasok siya sa loob ng kotse. Nakapako lang ako sa kinatatayuan ko at nakatingin sa kaniya. Sumandal siya sa upuan at nag-cross arm na para bang hinihintay akong sumakay.
***
Zack is acting a bit weird. He's shifting mood. Tatahimik, magsasalita, magsusungit, ngingiti, magsusungit. Urgh. Ano bang problema niya?
Nilakasan niya ang tugtog sa loob ng kotse niya.
Nang-iinis ba siya?
Hindi ako kumibo at nagtakip lang ng tainga.
Itinuro niya ang pihitan ng volume ng stereo at ngumisi.
"Hindi mo ba hihinaan?" tanong niya na para bang nang-aasar.
Natulala lang ako. "What?"
"'Yong volume, hinaan mo, just like what you did before."
Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kaniya.
Ano bang sasabihin ko? Is he testing me? Hinuhuli ba niya ako? Ano ba?
"Zack?"
Ngumisi siya. "O, I'm sorry, pumapalya na naman ang memory ko. I must have mistaken you for someone else."
Sinungitan ko lang siya ng tingin.
"You see, Sheena, my brain is very assuming nowadays," buntunghininga pa niya.
Medyo nainis na ako. "May gusto ka bang sabihin, Zack?"
He smirked. "O, wala, a."
Ano bang problema ng lalaking 'to? Kainis, a.
BINABASA MO ANG
My MVP Girl
Teen FictionSheena Marie Flores is an instant volleyball superstar and an MVP. Maayos ang takbo ng kaniyang buhay, wishing to find her so called "destiny", hanggang sa mabulabog ito nang makilala niya si Zack Ross---isang heartrob rockstar na over sa pagiging a...