SEASON 2: episode 8

6.3K 173 64
                                    

Sheena

        "Chris, I like you, pero---"

Bigla nalang akong niyakap ni Chris. Sandali akong natigilan.

        "C-Chris..."

I don't know what to say. Ramdam ko ang higpit ng yakap ni Chris, pero, anong sasabihin ko sa kaniya?

        "Sheena, please... just let me... kahit sandali lang..." malumanay niyang sabi.

Napatingin ako sa 'di kalayuan and I saw someone getting inside a car.

Si Zack ba 'yon?

        "W-wait, Chris---" iling ko habang iniaalis ang sarili ko mula sa yakap niya.

Sinundan ko agad ang papaalis na kotse. Pareho ng kotse ni Zack. I barely saw the guy, kaya hindi ko sigurado kung si Zack 'yon.

Tumakbo ako para habulin yung kotseng paalis, but I was too late.

Nakatingin na lang ako sa likod nang papalayong kotse.

Zack

I drove my car out of there. Hindi pa naman ako masyadong nakalalayo, nakita ko sa rear view mirror ko si Sheena na nakatayo at nakatingin habang papalayo ang kotse ko, I think she saw me leaving... pero hindi na ako huminto.

Hiyang-hiya naman kasi ako sa pagyayakapan nila.

Padabog akong pumasok ng kuwarto. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at ibinalibag sa isang sulok. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at nagbuntunghinga.

I don't know what's wrong with me. I keep visualizing Sheena habang kayakap ang lalaking 'yon. Who is he? Boyfriend ba nya yon?

        Napangiwi ako bigla. "Wait. The Fuck I care!"

Ano bang pakialam ko sa kanila?

Napapikit na lang ang mga mata ko sa pagod.

***

        "Zack!" Tinig ng babaeng tumatawag sa akin. " Hey, Zack!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Mabigat pa ang mga mata ko and I can only see a figure... is that you... Shee--?

        "Hey, Zack!" muli niyang yugyog sa akin.

        Napakunot ako ng noo at sandaling natulala. "Hailey?"

        Nagpamewang siya. "Ang hirap mong gisingin, a."

        Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. I feel damn weird. Iniisip kong si Sheena yung gumigising sa 'kin.

Nag-cross arm siya at nagtaas ng isang kilay habang tinitignan dibdib ko. Nakatulog pala ako ng walang suot na t-shirt.

Tumayo ako at kumuha ng long sleeves sa aparador. "What are you doing here, Hailey?" tanong ko habang isinusuot ang damit.

        "EHem. You forgot? My signing tayo ngayon, remember?"

Oh, yes. I remember. Kontrata for the movie.

"Ngayon ba 'yon?" I asked.

        "Yes. Come on! We're gonna be late!"

***

        "We're here! Aren't you excited, Zack?"

        "I'm sorry, what?" Hindi ko sya masyadong naintindihan, nakatingin lang kasi ako sa labas ng bintana habang nagda-drive ang driver niya. She keeps talking and talking pero walang pumapasok sa utak ko. Bakit ba pilit pa ring hindi mawala sa isip ko 'yong babaeng 'yon?

My MVP GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon