Baekhyun's POV:
"Gaux! Gising!" Inalog-alog ni Chanyeol si Gaux. May dugong umaagos sa ulo nya.
"Gago ka Kris!" Sinapak ni Chanyeol si Kris. Naibato kasi ni Kris yung picture frame, dapat kay Suho tatama pero kay Gaux.
"Tama na! Kuhanin nyo nalang yung first aid kit!" Sigaw ni Suho at binuhat si Gaux sa sala.
Sumunod nalang ako kay Suho at tinulungan ko syang maihiga sa sofa si Gaux. Bumaba yung 8 at lumapit samin.
"Baekhyun, anong nangyari?!" Nagpapanic na sabi ni Luhan.
"Naibato ni Kris kay Gaux yung picture frame." Kalmadong sabi ko.
"Ano namang dahilan at kailangan nyang batuhin si Gaux?!" Galit na sabi ni Sehun.
"Dapat kasi kay Suho ipapatama yun ni Kris, pero kay Gaux tumama." Dapat pupunta na kami ngayon sa mall para kumuha ng mga kakailanganin dito sa bahay eh. Kung hindi nalang sana binato ni Kris si Gaux, edi sana nakaalis na kami ngayon.
"Ok na ba sya?!" Tumakbo si Chanyeol kay Gaux, may pasa sya sa mukha. Madaling maaatract niyan ang mga zombies pag umalis na kami.
"Di pa sya gumigising eh." Tinape na ni Suho yung cotton sa ulo ni Gaux. Nilagyan nya narin ng tela para di maka-atract ng zombie pag pumunta na kami ng mall.
"Ugh." Ungol ni Gaux at ginalaw nya yung ulo nya.
"Gaux!" Sigaw ni Luhan at hinawakan yung kamay ni Gaux.
Di parin ako makapag-react. Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko si Kris na naglalakad sa may 2nd floor. Na-curious naman ako kaya pinuntahan ko sya.
"Kris, bakit mo ginawa yun?" Sabi ko sakanya nang hindi tumitingin sakanya. Naka-tingin parin ako sa baba. Nagising na si Gaux. Alalang-alala sakanya si Luhan at Chanyeol.
"Ang alin?" Napatingin ako sakanya at binigyan ko sakanya ang 'wag-kang-painosente' look.
"Hindi naman talaga sya ang dapat na babatuhin ko ng picture frame eh." Merong pagsi-sisi sa boses nya, sabagay, sino nga ba naman ang di magsi-sisi.
"Sabihin na nating, hindi si Gaux ang pinatamaan mo. Pero di mo ba naisip na baka may matamaang iba?" Napatingin sya sakin.
"May part sakin na naisip ko yun, pero kilala ako sa China na, pinakamagaling sa dart." Sabi nya at yumuko.
"Kahit na." Maikling sabi ko sakanya.
Gaux's POV:
Ang sakit ng ulo ko. Napahawak nalang ako, naramdaman kong may tela sa noo ko.
"A-anong nangyari?" Sabi ko at umupo sa sofa. Naaalala ko lang na nagaaway si Baekhyun at Chanyeol sa tapat ng kwarto ko at inawat ko sila.
"Tinamaan ka ng picture frame sa ulo. Ok ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Suho.
"Haha, ok na ako. Medyo masakit pa yung part na may sugat. Teka, paano ako tinamaan ng picture frame sa ulo?" Nakakapagtaka, lahat ng picture frame ko, nandito sa ground floor.
"Dapat ako yung babatuhin ng picture frame ni Kris, pero sayo tumama. Sorry.." Napayuko si Suho nung sinabi nya yun.
"Ano ka ba! Ok lang yun. Atleast hindi ikaw yung natamaan." Sabi ko at nginitian sya. Bakit may pasa sa mukha si Chanyeol?
"Chanyeol, bakit may pasa ka sa mukha?" Napatingin naman sya sakin. Nginitian nya ako at sinabing,
"Wala, nabunggo lang ako :))" Tumango nalang ako. Tinignan ko silang lahat, teka, bakit 10 lang sila? Si Baekhyun at Kris nawawala...
"Asan yung 2?" Tanong ko. Napatingin sila sa paligid. Tumingin ako sa 2nd floor, nakita kong naguusap yung 2.
"Baek! Kris!" Sigaw ni Chen. Bumaba silang 2. Nakayuko lang si Kris, alam ko na.
Tumayo ako at pinuntahan si Kris. Hinawakan ko yung baba nya at inangat yun.
"Kris, kung iniisip mong galit ako dahil binato mo ako ng picture frame, hindi ako galit. :)" Nginitian ko sya. Nakita ko namang nagulat sya sa sinabi ko.
"P-promise?" Tumango ako. Niyakap nya ako at sinabing,
"Sorry talaga... Di ko sinasadya. Di na mauulit pa, promise." Sabi nya at kumalas na sa yakap.
"So ano? Punta na tayong mall?" Tanong ko.
"Ok ka lang ba?" Tanong ni Luhan.
"Naman!" Sabi ko at nag-thumbs up.
----------------------------------------------------
Nagpalit lang silang lahat ng damit at bumaba na. Nagluto ako ng pagkain. Anong oras narin kasi, baka gutom na yung 12.
"Kain muna tayo!" Sabi ko nung nakababa na silang lahat.
"Ano ulam?" Tanong ni Xiumin habang nags-sparkle yung mata nya parang ganto ---> *u*
ANG CUTEE!! Pinisil ko yung pisngi nya :3 Ang cute kasi eh.
"Ibang luto naman ng itlog ginawa ko. Omelette naman!" Sabi ko at naupo na sa lamesa. Naupo narin sila at nag-pray na kami.
Pagkatapos namin kumain, kumuha lang kami ng baril at kung ano ano pa na kailangan para sa gerang magaganap mamaya sa mall.
"Tara na!" Sabi ni Chen at tumakbo sa sasakyan na gagamitin namin.
Pinaandar ko na yung makina at as usual, may mga zombies na pumaligid sa sasakyan. Yung mga nasa harap ng sasakyan, sinagasaan ko. Tawa nang tawa yung mga bakla dahil sa mukha ng mga zombies. Napangiti nalang ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nakakita kami ng mall. Sira na yung harap ng mall, pero walang zombies sa paligid ng mall. Tumingin ako sa mga kasama ko, binigyan ko sila ng 'ok-na-ba-itong-mall-na-ito' look. Tumango sila.
Kinuha namin yung mga baril at bumaba na. Walang katao-tao or kazombie-zombie sa paligid. Yung mga kasama ko, halatang kating-kati na makapatay ng zombies.
"Uy oh! May sasakyan! Wala pang sira!" Sabi ni Sehun at tinuro yung sasakyang na Pajero. Tama nga sya, walang sira yung sasakyan. Eh ang tanong, wala bang zombie sa loob?
"Wala kayang zombie sa loob? Tignan natin." Naglakad kami papunta dun sa Pajero, wala ngang katao-tao. Wala ring zombie. Tinignan namin yung likod, malinis rin.
"JACKPOT!" Sigaw ni Jongin-- este Kai.
"Buksan nyo nga." Utos ko sakanila. Binuksan naman ni Kris yung pinto, yung susi nasa upuan lang.
"Oh gosh. Bakit ang bait ni Lord?!" Sabi ni Luhan at tumingin sa langit.
Kinuha ko yung susi at ni-lock lahat ng pinto nung Pajero.
Pumasok na kami sa loob ng mall. May mga ilaw parin, di pa sira yung mga natirang ilaw. Good, di na namin kailangan ng flashlight. Pero di natin masasabi, baka biglang mamatay yung mga ilaw.
Papasok na dapat si Kai pero hinarang ko sya. Napatingin naman sya sakin at binigyan ako ng 'bakit' look.
Nagpaputok ako ng 3 beses. Pero sa langit ko pinatama. Maraming lumabas na zombies sa loob.
"Shit." Bulong ni Lay.
Baril dito, baril doon. Ilag dito, ilag doon.
Naubos na yung mga zombie at pumasok na kami.
------------------------------------------------------------
Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng story na ito kahit lame :))
Dedicated kay @TheFreakingGirl :)) H.Y.L.I!
Please comment or vote ~_^
-nixolina_10
BINABASA MO ANG
Zombie Attack with EXO
FanfictionThis is not your typical zombie story. This story contains many twist that will blow your mind ;) Enjoy reading!