Gaux's POV:
Lumabas na kami ng bahay, hindi narin naman kami safe dun. Nanghihina narin ako, pero ayokong ipakita na mahina ako. I'll just cherish the moments with this 11 guys who stayed by my side.
"Guys! Gusto ninyong magrelax muna tayo? Alam niyo na, pagod na pagod narin tayo." Napatingin sila sakin.
"Gaux? Ang daming zombies ngayon dito oh, pag nakahanap tayo ng bagong matutuluyan dun nalang tayo magrelax. Ok?" Ngumiti ako at tumango kay Suho.
Hinawakan ko yung kamay ni Luhan at tumingin sakanya. Ngumiti siya.
"Lu, have you ever wondered kung anong plano ni God para saakin? Pwede akong mamatay any time by now. Alagaan mo sarili mo ah?" Hinawakan ko yung pisngi niya at ngumiti nang mapait.
"Gaux, please. Wag kang magsalita nang ganyan. Mahal kita, okay? Mabubuhay ka, kahit hindi dito. Lagi kitang babantayan." Napangiti naman ako. Sana nga, Lu. Sana.
Third Person's POV:
Habang naglalakad ang ating mga bida, sa di kalayuan ay may nagaabang na panganib.
"Guys! Ilabas niyo mga baril niyo. Dalian ninyo! May nakikita akong horde ng zombies dun!" Sigaw ni Chanyeol.
Naghanda naman ang lahat. Pero si Gaux, mahahalata mong hindi siya maayos. Papalapit na sakanila ang mga zombies.
"Humanda na kayo." Pagaalerto ni Suho. At sa wakas, nasa harap na nila ang mga zombies.
Sumugod naman sila kaagad, binaril nila ang mga zombie na humaharang sakanila. At si Gaux naman, hiwa lang siya ng hiwa ng gulay, este mga ulo ng zombie.
Sehun's POV:
Peste 'tong mga zombie na 'to. Tsk. Kailan ba sila mauubos?
Habang nakikipaglaban kami sa mga zombie, napansin ko naman na napahawak si Gaux sa dibdib niya at parang hinang-hina. Hala!
"Luhan hyung, tulungan mo si Gaux. Nanghihina siya." Kinalabit ko si Luhan hyung. Napatakbo siya papunta kay Gaux.
Yes! Konti nalang, makakaalis narin kami.
May natirang isa at wala nang bala si Chen hyung. Natulak niya yung zombie, at bumagsak si Gaux malapit dun sa zombie.
Tina-try kagatin ng zombie si Gaux!
"Hyung! Do something!" Sigaw ko sakanila. Hindi ba nila nakikita?!
Pero huli na lahat. Bago ko pa man mabaril yung zombie, nakagat na niya si Gaux sa balikat. Natigil kaming lahat.
Luhan's POV:
Hindi ko nakita na natulak ni Jongdae yung zombie kay Gaux.
"Margaux!" Sigaw ko at lumapit sakanya.
NO, NO! Hindi siya mamamatay! Hindi!
"Gaux, please, open your eyes. Please, please. Margaux! Please. I'm begging you..."
Suho's POV:
Umiyak nang umiyak si Luhan.
"Gaux, please. Wag mo akong iwan, Margaux! Lahat gagawin ko, please... Margaux! Mahal na mahal kita, please gumising ka!!!" Hinatak na namin siya mula sa katawan ni Gaux. Dumilat si Gaux.
"L-lu...." Nagulat kami nung nagsalita siya. May dugong tumulo sa labi niya.
"Gaux! Hindi mo ako iiwan diba? Diba? Mabubuhay ka pa eh. Di pa dito magtatapos 'to eh. Magpapakasal pa tayo, magkakaanak, magkakabahay at kotse. Kaya please, lumaban ka. Hinahantay ka ng Ate mo, ni Kuya mo, ng parents mo, saka ni Sean. Please. Mahal na mahal kita.. Lumaban ka." May tumulong luha sa mata nilang dalawa. Alam ko narin kahihinatnan namin pagtapos nito. Mamamatay kami, at dun na magtatapos ang lahat.
"L-lu... M-mahal na mahal din k-kita... H-hanggang dito n-nalang siguro a-ako. I'll s-see you a-again, in heaven." Naluha nalang kami nang pumikit na si Gaux. We didn't succeed. Tapos na ang journey namin.
"Hinde, hinde, hinde!! Margaux, gumising ka! Wag kang magloko nang ganyan, please. Humihikbi na yung ibang members.
"Luhan tara na. Tapos na ang misyon natin. Tara na." Hinahatak ko si Luhan pero tinignan niya ako nang masama.
"Hindi ko iiwan si Gaux! Umalis na kayo! Mamamatay din ako sa tabi niya!" Tinataboy niya kami at niyakap si Gaux na wala nang buhay. Umiiyak siya at hinahalikan si Gaux sa noo.
Paalam, Margaux. Salamat sa lahat ng ginawa mo para saamin. Hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan, pero sana maging masaya ka sa langit ah? Di ka namin makakalimutan. Lagi kang nasa puso namin, ikamusta mo nalang kami kay Yixing ah? Pero makakasama narin namin kayo, just wait. Mahal na mahal ka ni Luhan, at mahal ka rin namin. Goodbye.
-++--+--------------------------------------
*deep sigh
Hi guys, so yeah, epilogue na next. Wala nang book 2! Hahahahahaha. Pero kung gusto ninyo, syempre laging handa si Author. Hahahahaha! Oh, may upcoming story ako :) para sa mga A.R.M.Ys diyan! Hehehe. Abangan ninyo please pleaseeeee. Hindi yun nakakalungkot, puno ng kasiyahan ang storyang yun. Pramis. Ok, so yeah. Sorry for the late update (sus lagi naman.)
BINABASA MO ANG
Zombie Attack with EXO
FanficThis is not your typical zombie story. This story contains many twist that will blow your mind ;) Enjoy reading!