Hello guys!! Kung sinisipag nga naman oh, hahahahahaha. Gusto ko kasing ibalik yung dating sigla ng ZAWE. I know that EXO-Ls have gone through alot of heartbreaks this year, kaya naman bago matapos ang taon, we will start a new ZAWE that I promise you all na magiging kasing hit ng ZAWE 1. Sana suportahan nyo po parin. We will start as a whole. We can get through this! EXO-L FIGHTING!!!
-----------------------------@---
Suho's POV:
Nararamdaman ko si Lucy. Nararamdaman ko yung kapangyarihan niya, puno ng galit. Ito na yata yung pinakamalakas na kapangyarihan niya.
"Kris." Tinignan niya ako. Nandito kami sa bar section nung bahay, sosyal nga to eh. Kumpleto sa liquors xD
"Ano?"
"Nararamdaman mo ba? Si Lucy. Galit na galit siya." Tumango siya bilang tugon.
"Suho, bat ganun? Bakit di ko niligtas dati si Dradia? Bakit tinago ko lahat? Bakit naging duwag ako?" Sabi niya at tumulo ang luha niya. Hinagod ko naman yung likod niya.
"Kris, wag mong sisihin ang sarili mo. Alam mong malalagpasan natin tong lahat. Maibabalik pa natin si Gaux." Napatingin siya sakin.
"Si Kai, narinig mo ba?"
"Suho hyung, Kris hyung bumaba kayo may kailangan akong ipakita."
"Tara!" Agad kaming pumunta ni Kris sa sala. Nandun silang lahat, including Gaux.
"Hyung. You need to see this.." Tinaas nya yung kamay niya at may lumabas na preview ng isang babae. Ang daming makina na nakakabit sakanya, may benda sa ulo niya at sa tabi niya may umiiyak na babae na parang nasa mid-40's pero maganda.
"Gaux..."
Xiumin's POV:
Nagulat kami sa nakita namin. Si Gaux yung babae! At sa tabi niya may di katandaan na babaeng kamukha niya at umiiyak.
"N-no. No. T-that's not me, right?" Sabi ni Gaux at tumulo yung luha niya. Nawala naman yung preview na yun..
"Gaux, yun ang nangyayari ngayon sa mundo na ginagalawan natin dati. Gaux nasa coma ka, at sa tingin ko, kailangan mong marinig to." Sabi ni Kai at may lumabas nanaman. Isang magandang babae at isang maskuladong lalake at halatang may pinagaralan sila. Parang nasa hallway sila ng ospital.
"Ate Yuen, Kuya Argo..." Narinig kong sabi ni Gaux.
"Ate Yuen naman! Pinapahirapan mo si Gaux! Di mo ba narinig kanina yung sinabi ng doctor, ha?! 30% nalang ang chance ni Gaux na mabuhay! Ayokong isang araw magising tayo na nagsisisi kasi hinintay natin siya pero siya na pala ang bibigay dahil sa kalagayan niya! Ate, stop being stupid! Paganahin mo yang utak mo!" So, ganun pala nangyari kay Gaux dati...
"Armin Levi Gordon Montaverde! Ikaw ang narrow-minded sating dalawa! Magigising si Gaux! Anong gusto mo?! Na pag pinahugot natin yung makina ay bigla namang nagresponse na sya?! Ayokong pagsisihan natin to Levi!" Napasabunot naman yung lalaki. May batang biglang sumulpot.
"Sean..." Lalong lumakas ang iyak ni Gaux.
"Ate, Kuya, are you guys fighting? Please stop it, Ate Marj-marj is sleeping inside." (A/N: Marj-marj ang tawag ni Sean kay Gaux ah? Saka totoong pangalan ni Argo ay Armin Levi Gordon. Fan kasi ako ng Attack on Titan xD HAHAHAHA HI OTAKUs!!!)
"Sean, dear... Ate Yuen and Kuya Levi are just talking, ok? Go inside now. Ate Marj-marj might wake up without you on her side! Sige ka! Magtatampo yun!" Sabi nung Yuen. Tumango yung bata at kiniss niya sa pisnge si Yuen. Pumasok na yung bata sa kwarto. Ang kyooot! Kamukha ni Gaux *^*
"Stop calling me Levi. You know how much I hate that name. Saka, wag mong ipamukha kay Sean na magigising pa si Gaux, Ate. Wag nating paasahin yung bata." Nawala nalang yung preview.
Luhan's POV:
"Gaux, ssssshhh. Stop crying. Everything's gonna be alright, ok? I'm here, we'll fight together." Niyakap ko si Gaux.
"Luhan, you better take her to her room. She needs to rest. Malapit nang bumalik si Lucy. I know he's more powerful than before." Sabi ni Suho. Binuhat ko si Gaux at dinala sa kwarto niya.
Nilapag ko sya sa kama, nakita ko kung gaano siya kalungkot.
"Sshh, rest ok? I'll be here everytime you need me."
Hinintay ko nalang siyang makatulog at hinalikan ko siya sa noo at umalis na.
"Luhan. Maghanda ka na." Nakakagulat naman tong si Kris.
"Bakit? Para saan?"
"Babalik na si Lucy. Kukunin niyang sunod si Gaux. Hawak na niya tayo ngayon. Wala na tayong kawala." Bigla akong kinabahan, paano na si Gaux? Paano na kami?
------------------------##-------
Hello guys! :)
BINABASA MO ANG
Zombie Attack with EXO
फैनफिक्शनThis is not your typical zombie story. This story contains many twist that will blow your mind ;) Enjoy reading!
