Taemin's POV:
Nahihiya na ako kay Gaux .___. Pinakain ako, binigyan ako ng damit, tapos pinatulog pa ako dito sa mansion nya. Ang ganda ganda niya talaga *u* Noong binuksan niya yung cabinet kung saan ako nagtatago, na-LAFS na yata ako. :"3 LAFS? Love At First Sight.
"Taemin-ah! Gumising ka na! Breakfast is ready!" May narinig akong sumigaw sa labas ng pinto. Hindi si Gaux yun kasi wala namang 'ah' sa dulo pag tinatawag niya ako, saka boses lalaki .__.
"O-ok! S-sandali lang! Magbibihis lang a-ako!" Pansin niyo ba na lagi akong nauutal? Mahiyain kasi ako, nerd ako dati sa pinapasukan kong school. Naka-nerd glasses ako noon kahit hindi naman malabo mata ko.
Pagkatapos ko magbihis, lumabas na ako sa kwarto. Nakikishare lang ako ng room kay Chanyeol. Napakamasiyahin niyang tao. Kung makatawa, parang baliw. -_- Ang creepy nga ng ngiti nun eh.
Nakita ko silang kumakain sa napakahabang mesa sa dining room. Tumingin silang kahat sakin, may isa lang talaga ang masama ang tingin sakin, si Luhan. Ewan ko ba, simula noong nakita nila ako sa mall, lagi nalang masama ang tingin sakin ni Luhan.
"U-uh. H-h-hello?" Nauutal nanaman ako, dapat masanay na akong hindi nauutal. Pero bakit pag nagmomonologue ako, hindi naman ako nauutal? o.O
"Kain na tayo! Dito ka oh!" Sabi nung Kai ba yun? Basta maitim xD
"S-sige." Pumunta na ako dun sa upuan na tinuro nya. Ang awkward, katapat ko si Luhan. Hmp, nevermind nalang.
Wow!! Ang sarap ng ulam! Yung favorite kong adobo, kaso, walang karne? Itlog na nilaga lang? Sabagay, wala na ring matinong karne dun sa grocery.
Kukuha na sana ako kaso inabot naman bigla ni Luhan. Binawi ko yung kamay ko at yumuko, nakita ko namang umirap siya. Sabi na nga ba, ayaw sakin ni Luhan. Bakit naman? Wala naman akong ginagawang masama sakanya ah. :((
"Luhan." Pagtawag ni Gaux sakanya. Tinignan lang namin si Gaux.
"Bakit?" Ano kayang sasabihin ni Gaux sakanya? Hay, siguro ang type ni Gaux yung tulad ni Luhan no? Gwapo, maputi, kaso medyo masama ang ugali sakin. Pero siguro mabait si Luhan kay Gaux.
"Umamin ka nga. Kitang-kita ko na dapat kukuhanin ni Taemin yung ulam tapos ikaw ang kumuha at inirapan mo siya. Ano bang problema mo? Nasaan na yung Luhan na mabait? Yung mapagbigay? Saan mo dinala?" So,,, napansin din ni Gaux? Nako. Dapat sabihin ko na wag na niyang pagsabihan si Luhan para wala nang gulo.
"Bakit ba siya ang kinakampihan mo? Kahapon mo lang siya nakilala tapos ganyan na ang trato mo sakanya? Ni hindi mo nga alam baka kriminal yan--" Di na natuloy ni Luhan yung sinabi niya dahil pinutol na siya ni Gaux.
"Shut up, will you?! Hindi ganong tao si Taemin! Don't judge him dahil lang kahapon lang natin siya nakilala! Bakit kayo ba?! Kelan ko lang ba kayo nakilala ha?! Luhan, wala kang karapatang husgahan ang mga taong pinapatira ko dito! Tandaan mo, BAHAY KO 'TO. Kaya hangga't hindi ko sinasabing husgahan mo siya, wag mo siyang husgahan!" Napayuko nalang ako. Nalulungkot ako dahil nagaaway sila dahil sakin.
"G-gaux. O-ok l-lang. E-excuse me." Tumayo ako at lumabas ng mansion na yun. May dala naman akong kutsilyo kaya ok lang.
Naupo ako sa damuhan, inaalala ko yung mga araw na buhay pa sila mama at papa. Ang saya namin nun, halos perfect na yata ang pamilya namin. Pero di ko alam na dadating pala ang araw na, masisira din kami.
Halos lahat ng pangyayari nagflashback sakin, yung nakain si mama at papa ng zombies, yung, yung pinatay ko sila kasi kakainin din nila ako. Ako lang pala ang papatay sakanila, kahit masakit sakin na patayin sila, ginawa ko parin for my own sake. Hindi naman masama yun diba? Tama lang naman ang ginawa ko, diba? Eh kung hindi ko sila pinatay, magiging zombie din ako.
"Rooaar.." May ungol akong narinig pero di ko pinansin yun. Nakapikit parin ako habang may tumutulong luha sa mata ko.
Gaux's POV:
Shit! Ano bang nangyayari kay Taemin?! May nakapasok nang zombie pero hindi niya pinapansin?!
Tumakbo ako papunta doon. Pero too late, dinaganan na ng zombie si Taemin. SHITT!! Ano bang nangyayari sa Taemin na 'to?!
Sinaksak ko yung zombie at tinignan si Taemin. May luhang tumutulo sa mata niya.
"T-taemin, ok ka lang?" Tuloy tuloy yung pagtulo ng luha niya.
"Don't mind me, Gaux. I'm ok, it's just something's bothering me."
//////////////////////////////////////////////////
Ano kayang bumabagabag kay Taemin? Give me 5 votes and 5 comments to continue the 8th chapter. ;)
-nixolina_10
BINABASA MO ANG
Zombie Attack with EXO
FanficThis is not your typical zombie story. This story contains many twist that will blow your mind ;) Enjoy reading!