Chapter 29 : Ex

3.4K 89 7
                                    

Bea's POV

"Ahm jho. I already know Bea. She's my Ex" pagkatapos sabihin ni Thirdy yun I know I'm doomed.

Tumingin ako kay Jho. Sht. Tama nga ako. Isang death glare ang binigay sakin ng isang Maraguinot.

"Ahm Thirdy please go away muna. I need to talk to Jho" sabi ko.

"Okay Bea. I'll text you later" sabi ni Thirdy tapos umalis na.

Bumalik naman yung tingin ko kay Jho na nakatingin sa baba.

Jho's POV

"She's my Ex"
"She's my Ex"
"She's my Ex"

I know OA ako. Kase Ex lang naman pero ang masakit kase dun, hindi sinabi sakin ni Bea. Siya pala yung kinukwento niya noon. Nung di pa kami magkadorm. Sa lahat ng sinasabi ni Bea tungkol kay thirdy noon makikita mo talaga na mahal na mahal niya si Thirdy. And base from her reaction kanina, affected parin ata siya.

Tumingin nalang ako sa lupa kase alam ko tutulo ulit luha ko.

Bigla naman hinawakan ni Bea yung isang kamay ko.

Dahil dun ay napatingin ako sakanya. Her eyes. Di ko napigilan. Naiyak na ako. Agad naman niya akong niyakap.

"Sorry. Sorry di ko sinabi. I love you. Wag kang umiyak please" sabi ni Bea habang nakayakap pa rin sakin.

Niyakap ko din siya pabalik. Magkayakap kami ng 5 minuto hanggang sa humiwalay na siya sa yakap.

Agad naman niyang pinunasan yung luha ko.

"I'm sorry. Please let me fix this" sabi niya.

Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako.

"Thirdy is my ex. We met in hs. Since the first day we saw each other hindi na kami mapaghiwalay. " sabi niya.

"Pero one day iniwan niya ako. May nililigawan pala siya sa US" pagtutuloy niya.

"Minahal mo ba siya? O mahal mo pa" tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"No jho. Dati yun. Now, I have you. And I love you more than anything and anyone, but Ofcourse before God. You know I won't leave you. Mahal kita. Yun lang alam ko" sabi niya. She's so sweet.

"What if ligawan ka niya ulit? Sasagutin mo?" Sabi ko. I know dami kong tanong. Gusto ko lang maging sure.

"That's nonsense. He can't because I'm with someone else who is better than Him. The best thing about it is She's just standing right infront of me" sabi niya.

"Bei wag ka nga. Gabi na oh. Sobra na sa pagpapakilig." Sabi ko.

"Ma'am mag cucurfew na po." Sabi nung guard. Shocks oo nga.

Pumasok naman kami ni Bea ng magkahawak ang kamay.

Dumiretso na kami sa kwarto namin.

"Mauna ka na maligo. Sunod nalang ako. I have to do something" sabi niya. Nagnod nalang ako tapos kumuha ng damit tapos pumasok na ako sa CR.

Secretly Fallen (A Jhobea Love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon