Chapter 31 : Not again

3.2K 89 5
                                    

Jho's POV

Habang kumakain kami nila Ate Ly biglang may pumasok.

"Hi Jho! Hi bea Happy birthday! Kamusta kayo?" Pagtingin namin si Thirdy pala. Medyo naging awkward yung atmosphere, alam din nila ate Ly eh.

"We're good. Thanks" cold na sagot ni Bea.

"Kain ka muna." Sabi ni ate Ella tapos kinuhanan ng pagkain si Thirdy.

Tsk. Tanda tanda na eh.

Tumabi naman siya kila Rex. Hayst nakakamiss TRex
A/N: Real talk po miss ko na TRex 😭

Habang hinihintay namin si Donya nagkwentuhan muna kaming buong ale.

"Pano pala kayo nagkakilala? Bakit parang dati palang close na kayo?" Tanong ni Jia.

"We met before UAAP. Nagkita kami sa Church of Gesu." Sabi ko.

"Naaalala mo pa?" Gulat na tanong ni Bea.

"Ofcourse! Bakit ko naman Kakalimutan yun" sabi ko tapos kinindatan siya. Namula naman siya.

"Yiee akala ko nakalimutan mo." Sabi ni Bea

"Hahaha kala mo lang yun" sabi ko sabay belat.


"Guys she's here" pinagmamalaking sabi ni Thirdy

Napatingin naman kaming lahat sa may entrance. Pagpasok.




"Mika?!" Nagulat na sabi nila Ate Ara.

Woah. Si ate Mika gf ni Thirdy? Omyghad. Lakas ni ate Mika sa mga Ravena ah.

"Babe!" Sigaw ni thirdy. Napatingin naman si Mika kay thirdy tapos niyakap nila ang isa't isa.

Fast Forward

Bea's POV

Natapos na yung Celebration. Bale ang natira nalang dito sa Sb sila Maddie, therese, thirdy and ate Mika.

Sila maddie ay nauna na sa sasakyan dahil sasabay daw sila samin ni Jho.

Pupunta na sana kami ni Jho sa kotse pero tinawag ni ate Mika si Jho. I guess I am stuck with Thirdy now...

Nasa labas kami ng Sb.

Nakatingin lang ako sa kalangitan. The stars are just so wonderful.

"Hey" sabi ni thirdy. Napatingin naman ako sakanya.

"Yup?" Sagot ko tapos tumingin ulit sa mga bituin.

"Kamusta kayo ni Jho?" Tanong niya.

"We're good. How bout you and ate Mika?" Tanong ko pabalik.

"Niligawan ko siya last week. I'm sorry sa mga ginawa ko sayo dati" sabi niya. Medyo napagaan naman pakiramdam ko. I guess we really need a closure.

"Oh. Congrats nga pala sainyo. Yeah It's ok" sabi ko.

"Thanks din" sabi niya. Napatingin naman ako sakanya

"Para saan?" Tanong ko

"Kase dahil sayo nalaman ko na hindi laging napipilit ang gusto nang isang tao. Kailangan talaga mag let go at Magmove on. Kailangan maghintay sa tamang panahon bago talaga mahanap ang taong nakalaan para sayo.

Salamat kase tinuruan mo ako magmahal. Kung hindi dahil sayo wala din ako ngayon. Kase kung wala ka noon, hindi ako magiging masaya ngayon. Totoo nga sinasabi nila, mahirap magmove on. Pero pag gusto mo talaga, kaya naman diba. Hindi lahat nadadaan sa mga salita, yung iba dinadaan din sa gawa. Kailangan pag sinabi mong Magmomove on ka na gagawin mo.

Halos lahat ata ng sinasabi ng tao tama. Yung isa lang talaga ang mali. Sinasabi nila kapag mahal ka babalikan ka, pero diba dapat kung mahal ka sa umpisa pa lang di ka na niya iniwan. Alam ko dun ako nagkamali noon. Naging duwag ako, lumayo ako sayo. Pero nagpapasalamat ako sayo Bea kase natutunan kong Magmahal at Tumanggap na hindi lahat ng gusto ng isang tao makukuha, malay natin mas higit pa pala ang nakalaan para sa atin.

Happy Birthday bea. Be happy with Jho. I know you really love her." Sabi niya habang nakangiti. Natahimik lang ako

"Can we be friends?" Sabi niya. Tapos nilahad niya kamay niya

"Ofcourse! Buddies!" Sabi ko tapos nakipagkamayan ako.

Sakto naman na dumating na sila mika.

"Looks like this two are friends now." Sabi ni ate mika habang nakangiti, si Jho din. "Well bea we have to go na. Happy birthday ulit! Thanks for this night" sabi ni Ate mika.

Nang makapasok na kami sa Kotse nakatulog na pala sila maddie. Hahaha.

Fast Forward

Nandito na kami ni Jho sa Dorm.

"Beiii! Kwento ka. Ano pinagusapan niyo ni Thirdy? Bakit may shake hands pa?" Sunod sunod na tanong ni Jho. Maloko nga

"Nakipagbalikan ulit ako sakanya" sabi ko. Nung makita ko expression ng mukha niya di ko napigilan tumawa. Naka nguso kase na parang iiyak.

"Joke lang beh. I love you. Friends na ulit kami. Don't worry he's happy with mika" sabi ko tapos hinalikan siya sa pisngi.

"Ikaw naman eh!" Sabi tapos hinampas braso ko. Hinug ko naman siya.

"Goodnight Jho. I love you." Sabi ko.

"Goodnight Bei. I love you too" sagot niya.

Di ko namalayan nakatulog na pala kami.

To Be Continued

A/N: Sorry guys sabaw. Mas mahaba po yung mga susunod na UD.

Ps: Di po ako maguupdate kapag walang nag comment hahahah.

25 votes? Thanks 💙

Secretly Fallen (A Jhobea Love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon