1 YEAR LATER
Bea's POV
Everything's going fine I guess. I mean, we had problems pero at the end of the day we would be fine. Today is our anniversary and I'm planning to take her somewhere, not in a fancy restaurant but in a special place. I would always go there whenever I feel something na hindi ko maexplain.
It's still 7:30 in the morning, I actually don't know why I woke up this early. I feel something strange, di ko lang maexplain.
Anyways, maghahanda nalang ako ng breakfast ni Beh ko. UAAP season starts next month na kaya nagt-training na kami pero sunday ngayon kaya walang training.
I decided to cook her egg and bacon nalang, the usual breakfast. Kumain muna ako saglit pagkatapos ay umakyat na rin ako sa room namin ni jhow at ginising siya.
"Beeeeh! Gising naaa!!!" Sigaw ko habang inaalog ng kaunti si jho.
"Masyadong maaga pa Beh!" Sagot naman ni jho pagkatapos ay tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan.
"Ihhh, beh we have something to do this day. Don't you remember?" Sabi ko habang may halong tampo sa boses.
Agad namang napatayo si Jho. YES! Naaalala niya!
"OMG Oo nga palaaa!" sabi ni Jho.
"Birthday nung kaklase ni manooong nung hs siya, yung Nico ba yun?" Pagtuloy ni jho. Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya, akala ko alam niya na anniversary namin ngayon.
Nico nanaman, alam naman niyang pinagseselosan ko yun eh. Alam ko kaseng Type niya si Jhoana ko. Balak nga niyang ligawan noon eh, di ba niya alam na may nagma may ari na kay Jho, at ako yun, wala ng iba.
Ito namang si Jho badtrip. Hayst
Aalis na sana ako ng bigla akong hinila ni Jho kaya napahiga ako sa kama niya, pagkatpos nun ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Yung puso ko ang bilis ng tibok. Sht.
"Joke lang beh, alam mo naman na di ko makakalimutan na anniversary natin ngayon eh. I love you beatriz ko!!!" malambing na pagkakasabi sakin ni Jho habang nakapatong yung kanyang ulo sa balikat ko.
"Ayst, Jho naman eh, wag mo na uulitin. Alam mo naman na pinagseselosan ko yun eh. Simula ngayon ayoko na marinig pangalan niya na babanggitin mo ah." Sabi ko, humarap naman ako sakanya at ngumiti.
Ngumiti rin siya pabalik
"Yes Boss! Sorry ah" sabi niya, nagsalute pa nga eh
"Hahaha, ayos lang beh. Kumain ka na, maliligo muna ako tapos pagkatapos ko mag ayos ka na rin" sabi ko sabay gulo ng buhok niya
Naghanda naman na ako ng isusuot.
BINABASA MO ANG
Secretly Fallen (A Jhobea Love story)
FanficBea de leon Is secretly inlove with her bestfriend Jhoana Maraguinot