Chapter 22 : Bye

3.4K 75 3
                                    

Jho's POV

Pagkasabi ko nun...

Biglang nagnod si Bei.

"Ok lang beh. I understand. Always remember I love you." Sabi ni Bei tapos ngumiti.

"Salamat Bei." Sabi ko tapos niyakap ko siya. Katabi ko naman siya eh. Naiiyak tuloy ako. Bukas na ako aalis. I week na walang Hug na ganito kahigpit. Agh! Naramdaman ata ni Bei na umiiyak na ako. Kase humiwalay siya sa Yakap tapos tinignan ako.

"Wag ka umiyak. Okay lang. Mamimiss kita" sabi niya. Tapos kiniss ako sa cheeks

Fast Forward

Nasa dorm na kami ni Bei. Nagayos na rin ako nang gamit. Hayst, mahirap man malayo kay Bea pero para sa pamilya ko naman eh. Buti nga pumayag sila sa Relasyon namin ni Bea.

Matutulog na sana ako nang.

"Mag ingat ka bukas ah. Gusto mo ihatid kita sa Airport?" Sabi ni Bei.

"Ok basta ikaw din ah. Sige salamat bei" sabi ko.

Pumunta siya malapit sakin tapos hinalikan niya yung noo ko. Bakit ganun? Simpleng gestures niya lang kinikilig na ako nang Bongga. Bei bakit ganun? Lol.

"Goodnight beh. I love you" sabi niya tapos bumalik na siya sa Higaan niya.

"Goodnight din Bei. I love you too. Hintayin mo ako ah. Sasabihin ko kila ate Ella na icheck ka palagi baka mamaya di ka kumain." Sabi ko. Natawa naman siya. Luh, anong nakakatawa dun? Seryoso kaya ako.

"Yes naman beh I will wait for you. Bakit naman ako di kakain?" Sabi niya. Naramdaman ko naman na tumingin siya sakin.

"Baka kase mamiss mo ako masyado kaya baka makalimutan mo" Sabi ko tapos tumingin ako sakanya. Tama ako nakatingin nga siya.

"Kahit palaging ikaw nasa isip ko di ko parin makakalimutan kung kailan ako kakain. Ehh halos lahat nang memories natin kain dito kain diyan. Kaya wag ka magalala. Aalagaan ko abs ko" sabi niya. Ok na eh. Kaya lang biglang nawala nung dulo. Inirapan ko siya.

"Oh basta be a good girl ah. Bawal mangchicks" sabi ko tapos pinikit ko na mata ko.

"Ofcourse beh di kita pagpapalit." Sabi niya.

"Tulog ka na bei maaga pa tayo bukas" sabi ko.

"Okay Beh. Goodnight Ulit. I love you sooo much!" Sabi niya tapos natulog na kami.

Fast Forward

Bea's POV

I woke up early para ihatid si Jho sa Airport. I know mahirap pero para sakanya din naman. It's only 1 week. There is Skype etc naman. I will definitely miss her. Pero para sakanya nga din to.

"Beh gising na! 7:00 na oh" Sabi ko. Agad naman siyang gumising

"Good morning beh! Kain ka muna oh. I made this for you. Mamimiss kita" Sabi ko. Kahit sobrang hirap mawala siya nang 1 week I still want to be happy pero this time mahirap na talaga. I feel like my tears will fall in any moment at mukhang napansin ito ni Jho.

"Good morning Bei. Uyy wag ka umiyak saglit lang ako mawawala" sabi niya. Medyo gumaan naman pakiramdam ko. I trust her naman na hindi siya hahanap nang iba.

"Kain na bilis. Para di ka malate" Sabi ko tapos nagnod siya.

Fast Forward
7:50

"Bye na bei bawal ka na pumasok dito" sabi ni Jho

"S-sige. Mamimiss kita. I love you" sabi ko na may lungkot na tono sa boses ko.

"Don't be sad ah. Sige ka di ako babalik. I love you too byeee" sabi niya. Ngumiti naman ako. Bago siya tumalikod hinawakan ko kamay niya. Tumingin naman siya sakin

Hinug ko siya tapos binulungan siya.

"Take care ah. I love you. Sabihin mo kay Tito Get well"

Humiwalay ako sa yakap tapos tinignan siya. Kiniss ko siya sa Noo tapos umalis na siya.

Yan na. Tuloy tuloy na tumulo luha ko.

"Bei!" Pagtingin ko si Maddie.

To be continued

Hello po. Sorry ilang araw walang ud. Busy po ako kase start na nang school namin. Di ko din po alam kung matutuloy ko tong story na to.

Thanks sa Votes. Sorry kung onti lang. Mahirap po mag update.

Ps: I'm not feeling well.

Secretly Fallen (A Jhobea Love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon