o n e

163 2 0
                                    

Di ko mapigilang tignan si Rhys habang tumatawa kasama ang barkada niya. Ang gwapo niya talaga. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng mata niyang kulay abo.

Napayuko ako ng mahagilap niya ang mga mata ko. Nahihiya lang talaga ako sa kanya. Hindi naman sa pangit ako kundi hindi lang talaga kami magkalevel.

I'm not that gorgeous. I'm not that hot. Yeah. I'm a girl like that.

Unti unti kong iniangat ang mga mata ko. Salamat naman at di niya napansin ang pagtitig ko sa kanya. Tumayo na ako at lumabas na ng cafeteria.

Loner ako. Hindi naman ako nerd o dukha. I'm just an ordinary girl. Konti lang ang nakakakilala sakin at pumapansin. Hindi naman ako binubully sa pagiging loner ko kasi ako yung kung tawagin ay si Ms. Invisible.

Si Rhys Alkantara. Noon paman ay patay na patay na ako sa kanya simula ng Elementary kami pero kaso mukhang di naman niya ako kilala eh.

Sino nga ba ako? Ako po si Russel Laureen Villamor. The Invisible girl.

Nakita ko si Rhys sa parking lot. Wow diba nandun siya sa cafeteria? Nagtago ako sa likod ng sasakyan at tinignan siya habang isinusuot niya ang helmet at sumakay na sa kanyang motorbike.

Ang gwapo talaga niya. Ang hot niya tingnan sa motorbike niya. Agad akong tumakbo papasok sa campus. Tumungo ako agad sa locker niya at naghulog ng isang letter doon.

Hi Rhys,
Have a good day. Keep on smiling coz your smile illuminates my world <3

Love,
R

Agad akong lumayo sa locker niya at baka may makakita sa akin. Sana ay mabasa niya yun bukas. Umalis na ako ng tuluyan at umuwi na.

Naglalakad lang ako pauwi kasi hindi naman ako mayaman at tsaka walking distance lang naman ang bahay namin mula sa school.

Wala akong kapatid at wala na din akong mga magulang. Patay na sina Mama at Papa at si Tita Ingrid nalang ang nagsusustento sakin dahil nasa abroad siya at wala din siyang anak.

Nakatira ako sa bahay na namana ko. Hindi malaki at di din gaanong maliit. Sakto lang.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at dun na nahiga at umudlip saglit.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon